^

Dr. Love

Laging may tugon ang Diyos!

-
Dear Dr. Love,

Hindi ko suka’t akalain na ganoon kabilis sumagot ang Panginoong Hesus sa aking suliranin hinggil sa pag-aalis sa poste ng Meralco na itinayo sa aking lupa. Matagal ko na kasi itong hiniling sa Meralco. Subalit ang kanilang sagot ay ang developer ng aming lupa at tinirikang bahay ang responsable sa pagpapaalis nito at hindi sila. Sinabi ko ito sa developer namin pero wala silang aksiyon na ginawa.

Isa ito sa suliranin na sinabi ko sa aking kapatid sa pananampalataya na si Brother Danny nang tawagan ko siya na ipanalangin niya ito. Si Brother Danny ay kasamahan ko sa Christ, The Living Stone Fellowship na matatagpuan sa 451 Calbayog st., Mandaluyong City na pinapastoran ni Bishop Dan Balais. Ipinanalangin ako ni Brother Danny over the phone. Ipinalalangin niya na matanggap ng son-in-law ko na si Cesar ang kanyang sahod, mutual fund, at malipat siya sa kompanya na pinagtrabahuhan niya sa China at sa pag-aalis ng Meralco post.

Makaraan ang tatlong araw, pumunta ang Meralco sa aming lugar at inalis ang poste at inilipat sa tamang puwesto. Sinabi ko sa sarili ko talagang mabilis ang pagsagot ng Panginoong Hesus. Hindi ko man nakuha ang kahilingan ko sa loob ng ilang mga taon, pero sa Panginoong Hesus sandali lamang. Sinagot din ng Diyos ang lahat ng request ko kay Brother Danny.

Purihin ang Panginoong Hesus na tunay ngang Siyang "Provider" natin. Kahit gaano kalaki ang ating mga suliranin, kaya Niya itong bigyan ng lunas o katugunan. Kung gusto din ninyong maranasan ang pagpapala ng Panginoong Hesus, tumawag lamang sa CLSF, tel. bilang 533-5171 at 533-0017 at hanapin si Sarah Quiambao.

Jaime Magbanua
Pandacan, Manila


(Kung nais mong mapanood ang mga kuwento ng tagumpay na tulad nito, panoorin ang THE 700 CLUB tuwing Miyerkules ng hatinggabi at tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga sa GMA-7. Puwede ring tumawag sa THE 700 CLUB Counseling Center sa 810-7717 o 810-7176. Bukas ito nang 24 oras. Sa mga nasa probinsiya, puwedeng gamitin ang PLDT line na 1-800-1-888-8700 (libre at wala nang operator) o sumulat sa P.O. Box 37, Greenhills, 1502 San Juan, Metro Manila.)

BISHOP DAN BALAIS

BROTHER DANNY

COUNSELING CENTER

DR. LOVE

JAIME MAGBANUA

LIVING STONE FELLOWSHIP

MANDALUYONG CITY

MERALCO

METRO MANILA

PANGINOONG HESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with