Una sa lahat ay ang aking pagbati sa lahat ng mga bumubuo ng PSN. Pag bangon ko pa lang sa umaga, kahit hindi pa ako naghihilamos, sa PSN agad nakatutok ang mga mata ko.
Gusto ko talaga ang dyaryo ninyo. Maganda, malinis. Paborito ko ang Litra-Talks, Sapol, Editoryal, Pagkain sa Araw-Araw, True Confession, mga balitang artista, Sports at higit sa lahat, ang kolum mo, Dr. Love.
Taos-pusong pasasalamat ang ibinibigay ko sa pagbibigay mo ng pagkakataon na mailathala ang aking sulat at sana sa pamamagitan ng kolum mo ay mabati ko ang mga kamag-anak ko, kaibigan at pamilya.
Kumusta sa mga kamag-anak ko sa Nagcarlan, Lagunakina Uncle Enchong (dating PSN Sports editor), Tita Tuding, mga pinsan ko at mga pamangkin. Sana ay ayos lang kayo diyan. Binabati ko rin ang Mama at Papa ko, Kuya Allan, Mardie, mga kaibigan ko sa Calendola, San Pedro, Laguna, Emma Malabad, Flor, Jiosabel, Ate Daisy, Ate Gigi, Don-Don, Ineng, Ben, Gia, Papu, Vangie, Ate April, Tara, Kiara, Amor, Michelle, Jon-Jon at mga magulang nila.
Nais ko pong malaman nila na mahal na mahal ko sila at lagi sana nilang alagaan ang sarili nila.
Again, thank you, Dr. Love and more power.
Christina Juachon Reyes
#8 Tiaong st.,
Calendola Village,
San Pedro, Laguna
Dear Christina,
Nagulat ako dahil sa halip na humingi ka ng payo sa problema sa pag-ibig ay inulan mo nang papuri ang ating pahayagang PSN.
Hindi ko naman puwedeng ilathala sa ibang section ang sulat mo dahil sa akin naka-address.
Pero maraming, maraming salamat sa walang sawa ninyong pagtangkilik sa PSN na sa Marso 17 ay "sweet 16" na.
Warmest regards sa family mo lalo na kay Ka Enchong na isang matalik na kaibigan.
God bless!
Dr. Love