^

Dr. Love

Problema si Franky

-
Dear Dr. Love,

I’m one of your avid readers. This is my first time to write to you. Lumiham po ako para humingi ng advice. Alam kong marami na kayong natulungan na may problema sa puso.

Tawagin na lamang ninyo akong Franky, 19 years-old at isang tomboy. Ang problema ko po ay tungkol sa isang special friend. Noong high school po kami ay naging matalik ko siyang kaibigan at barkada. Hanggang sa naramdaman ko na nade-develop ako sa kanya.

Naisip kong layuan siya dahil natatakot akong baka kapag nalaman niya ang feelings ko sa kanya ay layuan niya ako. Pero napuna niya ito at tinanong niya ako kung bakit hindi na ako sumasama sa gimik ng barkada.

Nagsinungaling ako sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw na nalaman niya ang feelings ko para sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya ito nalaman. Sabi niya ay hindi naman daw masamang humanga sa isang tao. Sa sinabi niyang ito ay nasiyahan ako pero medyo nagdalawang-isip ako na maging close ulit sa kanya.

Hanggang sa lalo pang lumalim ang paghanga ko sa kanya. Gusto ko sanang sabihin ito sa kanya pero nawalan ako ng time. Nagdesisyon kasi ang father ko na manirahan na kami sa province. Ni hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Pinasabi ko na lang sa isang barkada namin na umalis na ako kasama ang aking pamilya. Ni hindi ako nakapagpaalam sa kanya.

Ang akala ko ay mapuputol na ang communication namin pero hindi pala. Hiningi niya ang address namin sa aking bestfriend at sinulatan niya ako. Nagpatuloy ang sulatan namin pero nahinto dahil kapwa kami busy sa aming pag-aaral. Gusto ko siyang sulatan pero nabalitaan kong may boyfriend na siya.

Hindi ko alam kung totoo ito. Ang sabi niya sa akin ay hindi raw muna siya magbo-boyfriend hanggang hindi siya nakaka-graduate sa college.

Dr. Love, dapat ko ba siyang sulatan? Alam kong bawal ang nararamdaman ko sa kanya pero mahal ko siya. Ano ang dapat kong gawin?

Lubos na gumagalang,
Franky



Dear Franky,


Harapin mo ang katotohanan. Hanggang magkaibigan lang ang hangganan ng relasyon ninyo ng iyong special friend.

Kung may kakaiba kang damdamin sa kanya, natural lang siguro iyan pero hindi lahat ng natural ay tama.

Sakaling totoo na may boyfriend na ang iyong kaibigan, pagbigyan mo siya dahil ang babae ay para sa lalaki. Ganyan tayong dinesenyo ng Diyos. Hindi natin dapat salansanin ito.

Magbulay ka sa Salita ng Diyos. Tiyak kong matatagpuan mo ang ilaw na gagabay sa iyo sa tamang landas.

Dr. Love

AKO

ALAM

DEAR FRANKY

DIYOS

DR. LOVE

HANGGANG

KANYA

NIYA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with