Boyfriend ko, sinisiraan ng kaibigan ko
March 2, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Una po, binabati ko kayo sa patuloy na paglalathala ng malaganap ninyong column. Hindi ko sukat akalaing ako man ay makakasulat sa inyo para humingi ng mahalaga ninyong payo.
Tawagin na lamang po ninyo akong MC Virgo. Ang problema ko po ay tungkol sa aking boyfriend na sa kasalukuyan ay hindi ko malaman kung dapat ko nang kalasan o hindi.
Bago kami nagkaroon ng relasyon ay may dating girlfriend ang boyfriend ko. Umabot sa aking kaalaman na hanggang ngayon ay tumatawag pa siya sa kanyang ex-girlfriend. Nagseselos ako.
Nagsimula po ang problema ko nang siraan ako ng aking kaibigan sa boyfriend ko at siraan din niya ang nobyo ko sa akin.
Naguguluhan po ako. Mahal na mahal ko po siya kaya lang ay hindi ko alam kung ganoon din siya sa akin matapos ko ngang mabalitaan na tumatawag din siya sa kanyang ex-girlfriend.
What shall I do, Dr. Love? Dapat ba akong makipag-break sa kanya o hindi?
Lubos na umaasa,
MC Virgo
Dear MC Virgo,
Hindi ko ganap na maunawaan kung bakit kamo sinisiraan ka ng kaibigan mo sa boyfriend mo at ikaw naman ay sa nobyo mo.
Hindi mo rin nabanggit sa liham mo kung anong paninira ang ginagawa niya at kung ito naman ay may katotohanan.
Anyway, ang una mo sanang dapat na ginawa ay alamin kung may katotohanan ang mga isinusumbong ng kaibigan mo hinggil sa nobyo mo. Ano ba ang talagang motibo niya sa paninira naman niya sa iyo sa nobyo mo?
Dapat ito ay pinag-uusapan ninyong mabuti ng kaibigan mo at ng nobyo mo. Baka naman may kursunada ang kaibigan mo sa nobyo mo?
Ang pagtawag ng boyfriend mo sa kanyang dating girlfriend ay hindi mo dapat na ikagalit. Maaaring nakikipagkaibigan na lang siya. Subalit dapat mo ring alamin mismo sa kanya kung may dapat kang ipagselos sa isyung ito.
Saka ka na lang magpasya sa plano mong pakikipagkalas sa nobyo mo kung talagang makumpirma mong dino-double cross ka niya.
Buksan mo ang komunikasyon ninyo sa isat isa at huwag maniwala basta sa mga sabi-sabi ng iba.
Para sa katahimikan ng loob mo, gumawa ka ng sarili mong pagsisiyasat. Yung hindi makakatanggi o makapagsisinungaling ang boyfriend mo.
Kuwestiyonable sa akin ang pahayag mong hindi mo alam kung ang pagmamahal mo ay may kasing tinding katugon mula sa nobyo mo.
Maging mahinahon ka at laging umunawa.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended