Paano patutunayan ang pag-ibig?
March 1, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan. Kaya po ako sumulat ay para magtanong.
May boyfriend po ako at itago na lang natin siya sa pangalang K-Y. Tatlong buwan na po ang relasyon namin.
Itatanong ko lang po sana kung sa paanong paraan ko mapapatunayan sa kanya na mahal ko siya. Kasi po tuwing nag-uusap kami at kapag sinasabi kong mahal ko siya ay hindi po siya naniniwala at lagi niyang sinasabi na bolera ako.
Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Sana ay matulungan ninyo ako sa problema ko.
Miss Aries ng Bulacan
Dear Miss Aries ng Bulacan,
Kung minsan, may mga lalaking gustong maangkin kaagad ang pagkababae ng kanilang kasintahan. Sinasabi nila na kung itoy hindi maibibigay sa kanila ay hindi sila tunay na mahal ng kanilang nobya.
May hinihingi bang ganyan ang boyfriend mo? Kung magkagayoy tanggihan mo at kung nagpupumilit siya ay makipag-break ka na sa kanya.
Harinawang hindi mo pa naisusuko sa kanya ang pagkababae mo dahil hindi iyan ang sukatan ng tunay na pag-ibig.
Kadalasan, kapag nakuha na ng lalaki ang ibig, mag-uumpisa na silang manlamig at ang babae ang laging kawawa. Mabuti kung hindi magbubunga ang kanilang ginawa. Pero paano kung magbunga?
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 21, 2024 - 12:00am