^

Dr. Love

Virgin pa po ako

-
Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang po ninyo akong Ms. Lonely Girl, 23 years-old. Taga-probinsya po ako pero sa ngayon ay naririto ako sa Metro Manila para magtrabaho at malimutan ang malulungkot na pangyayari sa aking buhay.

Ulila na po ako sa ama at ang Nanay ko naman ay nag-asawa na ng iba. Mula nang maliit ako, hindi ko na nakita ang aking ama dahil nga sumakabilang-buhay na siya.

Ang problema ko po ay ang pagiging walang suwerte ko sa aking mga naging kasintahan.

Noong nasa lalawigan pa ako, mayroon akong naging boyfriend subali’t ang kaso, nang magpunta ako dito sa Maynila para magtrabaho ay nabalitaan kong nag-asawa na siya sa iba.

Nagkaroon pa ako ng ibang kasintahan. Ang pangalawa ay mayroong girlfriend pero tinanggap ko pa rin siya. Kaso ay umalis din siya at iniwan ako. Sa ikatlong pagkakataon, nagkaroon ulit ako ng nobyo subali’t nagkasira kami dahil naman sa paninira ng iba. Naniwala siya sa tsismis na hindi na ako virgin at marami na ang lalaking nakagalaw sa akin.

Pati mga kasamahan ko sa bahay ay sinisiraan ako. Pero ang mga ibinibintang nila ay walang katotohanan. Takot ako sa Diyos at lagi akong nagdarasal.

Hindi ko na nga po pinapansin ang mga tsismis sa akin. Dahil dito, takot na akong makipagnobyo sa pangambang baka masaktan na naman ako.

Ang damdam ko, puro kamalasan ang dumarating sa buhay ko. Mahirap na nga ang buhay ko, hindi na nga ako nakaabot sa mataas na antas ng pag-aaral ay wala pa akong suwerte sa nobyo.

Wala na po bang darating na suwerte sa buhay ko?

Miss Lonely Girl


Dear Miss Lonely Girl,


Masusi kong binasa ang problema mo at ganap ko itong nauunawaan.

Huwag mo nang pansinin ang mga paninira sa iyo. Kung ano ang katotohanan, iyon naman ang lilitaw sa dakong huli.

Huwag mo ring ikasama ng loob ang mga kasawiang dinanas mo sa iyong mga naging boyfriend na hindi naging tapat sa iyo.

Mga pagsubok lang iyan sa buhay na kung malalampasan mo nang mahusay ay bibihisan na ng tuwa at kaligayahan sa mga susunod na panahon.

Dagdagan mo pa ang pananalangin mo at tiwala sa Maykapal at tatagan mo ang iyong damdamin. Hindi ka Niya pababayaan.

Huwag mo na ring ipagsabi pa sa iba na virgin ka pa dahil hindi naman ito importante sa ngayon. Dahil nga nakatatlo ka ng nobyo, ang akala ng marami ay lanta ka nang bulaklak.

Ang makapagpapatotoo niyan ay ang lalaking magpapakasal sa iyo at tatanggapin ka bilang ikaw.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DAHIL

DEAR MISS LONELY GIRL

DR. LOVE

HUWAG

METRO MANILA

MISS LONELY GIRL

MS. LONELY GIRL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with