^

Dr. Love

Naghahanap ng ka-penpal

-
Dear Dr. Love,

Kumusta na po kayo? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa. Nais ko po sanang magkaroon ng ka-penpal. Wala po akong girlfriend sa kasalukuyan. Pero noon ay mayroon kaya lang ay hindi siguro talaga kami para sa isa’t isa. Nagkahiwalay kami at parang nawalan na ako ng ganang magmahal pa. Pero sa pamamagitan ng column mo ay nabuhayan ako ng loob. Ako po ay 27-anyos, may stable job bilang isang auto electrician. May sarili po akong tricycle na pang-hanapbuhay. Ako po ay miyembro ng Iglesia ni Cristo kaya mas maganda sana kung ang magiging ka-penpal ko ay isa ring INC member. Pero kung may susulat sa akin na hindi INC member ay susulatan ko rin sila bilang isang kaibigan.

Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa paglalathala mo sa aking sulat.

Gumagalang,

Joselito A. Toribio
513 Quezon Ave.,
San Fernando City,
La Union 2500


Dear Joselito,


Hindi ka man humihingi ng payo, bayaan mong magbigay ako ng unsolicited advice.

Okey makipag-penpal. Pero higit na mainam kung ang babaeng pipiliin mong maging katuwang sa buhay ay mahanap mo sa mga nakikilala mo at nakakasalamuha ng personal.

Mahirap makilatis ang pagkatao ninoman sa pamamagitan lang ng sulat.

Anyway, pagbibigyan ko ang iyong hiling.

Inilalathala ko nang buong-buo ang liham mo pati na ang iyong exact address para sa mga interisadong makipagkaibigan sa iyo. Goodluck!

Dr. Love

AKO

CRISTO

DEAR JOSELITO

DR. LOVE

GOODLUCK

JOSELITO A

LA UNION

PERO

QUEZON AVE

SAN FERNANDO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with