Problema ni Bell
November 23, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo. Ako po si Bell, 22 years-old at tubong Cebu. May boyfriend na po ako dito sa Maynila at tawagin na lamang natin siyang Mr. Aries, 21 years-old.
Gulung-gulo po ang aking isipan at wala akong mahingan ng payo. Hindi ko po kasi alam kung totoong mahal ako ng boyfriend ko. Minsan ay namasyal kami at dinala niya ako sa isang lodge. Gusto po niyang may mangyari sa aming dalawa. Hindi po ako pumayag. Umalis po ako sa lugar na iyon at inaway ko siya.
Tapos ay gusto niyang mag-live in kami. Sinabi kong hindi pa ako handang mag-asawa. Noong nandoon kami sa lodge, sinabi ko sa kanya na hindi na ako virgin. Hindi raw virginity ang habol niya sa isang babae kundi ang ugali. Mabait naman siya at malambing.
Sana po ay mapagpayuhan ninyo ako. Alam kong kayo lang ang makakatulong sa akin. Sana po ay mailathala ito sa Nob. 14 kasi birthday ko po ito.
Marami pong salamat.
Bell
Dear Bell,
Belated happy birthday sa iyo. Pasensiya ka na kung hindi ito napalathala sa mismong araw ng kapanganakan mo dahil tambak ang mga sulat na natatanggap ko.
Anyway, narito ang payo ko. Nadapa ka nang minsan at sanay huwag na itong maulit. Tama ang ginawa mong pagtanggi sa gusto ng boyfriend mo na makatalik ka.
Kung mahal ka niya, susunod siya sa gusto mo. Kung nagpupumilit siya, layuan mo siya dahil sex lang ang gusto niya.
Hanga rin ako sa pagkaprangka mo at nagawa mong ipagtapat sa boyfriend mo ang iyong nakaraan.
Diyan mo masusukat kung tapat siya o ibig ka lang pagsamantalahan.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am