^

Dr. Love

Maging sino ka man

-
Dear Dr. Love,

Isa ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong pitak at hindi po ako pumapalya sa pagbabasa ng mahahalaga ninyong payo sa pag-ibig.

Ako nga pala si Jhun Quiambao ng B-9 San Francisco st., Angeles City, Pampanga, 27 taong-gulang. Sumulat po ako para ipaalam kay Ms. Lonely Girl (ang sulat ay napalathala noong Mayo 16, 2001) na interisado akong makilala siya. Nais ko po sanang maging ka-penpal siya kung nais niya.

Kung papalarin ay nais ko rin siyang makilala nang personal. Nabasa ko po ang kanyang problema at nais ko sana siyang matulungan para makalimot sa kanyang kabiguan through friendship.

Kahit po hindi ko pa siya personal na kakilala, ako ay lubos na naniniwala sa kanyang katapatan at kahit na ano pa ang kanyang nakaraan, maging sino man siya, totoo man o hindi ang tsismis sa kanya, ay okey lang po sa akin. Ang importante ay ang nilalaman ng kanyang puso.

Maaari ko po bang malaman ang kanyang tunay na pangalan at address? Hanggang dito na lang po at sana ay matulungan ninyo ako.

Gumagalang,
Jhun


Dear Jhun,


Ikinalulugod ng pitak na ito na malaman na isa ka sa masusugid naming tagapagbasa. Sana ay ipagpatuloy mo ang pagtangkilik sa aming babasahin.

Natutuwa rin ang pitak na ito na nakapagbigay sa iyo ng interes ang isa sa mga liham na inilathala namin. Subali’t ikinalulungkot kong ipaalam sa iyo na hindi lahat ng liham na tinatanggap namin ay nagtataglay ng tunay na pangalan at address ng lumiliham.

Gayunman, sa pamamagitan ng inilathala naming liham mo, sana ay mabasa ito ni Miss Lonely Girl at kung interisado siyang makipagkaibigan sa iyo ay susulatan ka niya tutal ay inilathala ko naman ang address mo.

Makakatulong nang malaki sa kanyang pagbabagong-buhay ang pakikipagsulatan sa isang tulad mo.

Good luck.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANGELES CITY

DEAR JHUN

DR. LOVE

GAYUNMAN

JHUN QUIAMBAO

KANYANG

MISS LONELY GIRL

MS. LONELY GIRL

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with