^

Dr. Love

Dr. Love Monday Special: Babaeng hinugot sa mala-impiyernong buhay

-
Bunso ako sa limang magkakapatid. Seven years-old pa lang ako nang maghiwalay ang mga magulang namin. Maayos sana ang buhay namin kung hindi lang binubugbog ng tatay ko ang nanay ko. Nang hindi na ito makayanan ng nanay ko, iniwan niya ang tatay ko at inuwi niya kami sa probinsiya.

Katorse-anyos pa lang ako nang makilala ko ang isang guy na akala ko ay magbibigay ng pag-ibig sa akin na hindi ko naranasan sa sarili kong pamilya. Malaki ang tanda niya sa akin. Hindi ko alam ang kanyang pagkatao nang makipagrelasyon ako sa kanya.

Nagkaanak ako sa kanya at inuwi niya ako sa kanila. Walang nagsabi sa akin na may asawa na siya at may anak pa. Sinabi niya sa akin na hiwalay na sila ng asawa niya. Pero nalaman kong nabuntis niya ulit yung asawa niya. Manginginom din siya at sugarol. Grabe talaga ang buhay ko noon. Hindi ko alam talaga ang nangyayari sa akin. May mga gabing umiiyak na lang ako at gusto kong magsisigaw.

Minsan, sa isang okasyon sa bahay ng biyenan kong hilaw, nakaharap ko yung asawa niya. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Muntik akong maeskandalo kung hindi pa siya inawat ng biyenan niya. Mula noon, para akong biglang nagising at naunawaan kong kailangan ko ang Diyos pero hindi ko alam kung paano Siya hahanapin.

Kung anu-anong relihiyon ang sinubukan ko at iba’t ibang klaseng imahen na rin ang dinasalan ko pero wala pa rin. Minsan, binigyan ako ng kapitbahay ko ng itim na libro. Sabi niya, marami raw kuwento rito. Binasa ko yung libro. Nagsimula ako sa Genesis. Ang ganda. Basa lang ako nang basa kahit hindi ko tunay na nauunawaan yung binabasa ko.

Hanggang sa isang araw na naglalaba ako, bukas ang radyo. Narinig ko na lang yung boses sa radyo na sinasabing, "Ikaw, matagal ka nang naghahanap sa Diyos. Alam kong marami kang kabigatan sa buhay...marami kang problema. Maraming laman ang puso mo na hindi mo alam kung papaano mo ilalabas. Halika, kumapit ka at sabayan mo ako sa panalanging ito at tinitiyak ko sa iyo, yung hinahanap mo ay matatagpuan mo..."

Hindi ko namalayan, nandoon na ako sa harap ng radyo. Puno ng sabon ang mukha ko at umiiyak ako. Sinundan ko yung panalangin ng pastor at mula nang oras na iyon, maraming nagbago sa akin. Nawala ang pagiging maggagalitin ko. Nabawasan ang pagmumura ko. Gumaan ang kalooban ko.

Nagpadala ang Panginoon ng mag-asawang tumutulong sa akin sa paglago sa bagong buhay ko. Maraming nagtaka sa bagong nangyari sa akin. Biruin mo, nang mag-Pasko, binigyan ko lahat ng mga kaaway ko ng Christmas cards at humingi ako ng tawad sa kanila. Higit sa lahat, binigyan ako ng Diyos ng lakas para hiwalayan yung kinakasama ko. Mula noon, isinuko ko na ang buong buhay ko sa Diyos. - Melissa

(Kung nais mong mapanood ang mga kuwento ng tagumpay na tulad nito, panoorin ang THE 700 CLUB tuwing Miyerkules ng hatinggabi at tuwing Linggo, 7:30 ng umaga sa GMA-7. Puwede ring tumawag sa THE 700 CLUB Counseling Center sa 810-7717 o 810-7176. Bukas ito nang 24 oras. Sa mga nasa probinsiya, puwedeng gamitin ang PLDT line na 1-800-1-888-8700 (libre at wala ng operator) o sumulat sa P.O. Box 37, Greenhills, 1502 San Juan, Metro Manila).

AKIN

AKO

COUNSELING CENTER

DIYOS

KUNG

MARAMING

NANG

NIYA

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with