Problema ni Tisoy

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Kaya po ako sumulat ay para humingi ng payo ukol sa aking nililigawan na si Mileng, 19 taong-gulang ng Leyte.

Noong una ko pa lamang siyang makita ay nagkagusto na ako sa kanya. Nagpakilala ako sa kanya at humingi ng pahintulot na madalaw siya sa kanila. Pumayag naman siya at doon ay ipinahayag ko ang aking nararamdaman.

Pero kapag magkausap kami ay lagi niyang sinasabi na may boyfriend na siya at doon ako nawalan ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang aking panliligaw.

Ano ang gagawin ko? Sana ay matulungan ninyo ako. Salamat po.

Gumagalang,
Tisoy


Dear Tisoy,


Baka sinusubukan lang niya kung hanggang saan ang iyong tiyaga.

Alam mo, ang bagay na pinaghirapan ay laging masarap kaya magtiyaga ka sa panliligaw.

Hindi masamang ligawan ang babae kahit na may boyfriend na ito dahil malaya pa naman siya. Liban na lang kung ikakasal na sila.

Kung totoong may boyfriend na siya, patunayan mo na mas nakahihigit ang iyong katangian kaysa sa kasintahan niya.

At kung sasabihin niya kalaunan na wala ka talagang maaasahaan, doon ka na siguro dapat humanap ng iba.

Dr. Love

Show comments