^

Dr. Love

Nasopresa sa alok na kasal

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa masugid ninyong tagasubaybay. Gusto ko lang po sanang magpatulong sa problema ko.

May boyfriend po ako at gusto na niyang mamanhikan. Pero ang problema ko ay may nauna sa akin na naging girlfriend ang nobyo ko. Ayaw sa kanya ng mga magulang nung girl at ayaw din ng mga kapatid ng boyfriend ko doon sa kanyang naunang nobya.

Minsan, isinama ako ng boyfriend ko sa kanilang tahanan at kasama namin ang ate niya. Ang hindi ko alam ay pinag-uusapan pala nila ako at pagkatapos akong ipakilala sa mga magulang niya ay mamamanhikan na raw sila.

Nagulat po ako dahil hindi ko inaasahan na sasabihin iyon sa akin ng bf ko dahil may nauna na sa akin sa kanyang puso.

Ang ipinagtataka ko ay kung bakit ako ang pinili niya. Ito kaya ay dahil kaibigan ko ang ate niya o gusto lang niyang gantihan ang kanyang girlfriend na nauna?

Mahal ko po ang boyfriend ko at ayaw ko siyang mawala sa akin. Mahal din kaya niya ako?

Ako po ay 20 years-old at ang boyfriend ko naman ay 23.

Ang inyong tagasubaybay,

Miss Pisces ng Laguna


Dear Miss Pisces,


Hindi ka ba natutuwa at ikaw ang napiling pakasalan ng boyfriend mo?

Bakit mo siya pagdududahan? Hindi mo ba nararamdaman kung talagang mahal ka niya?

Hindi madali para sa isang lalaki ang magpasyang magpakasal. Ito ay isang habambuhay na responsibilidad.

Hindi kaya nagpasiya na siyang magpakasal dahil ayaw niyang mawala ka pa sa kanyang buhay tulad ng nauna niyang girlfriend?

Kung talagang hindi ka mahal ng boyfriend mo, hindi ka na niya aaluking pakasal. Baka naman ikaw ang wala pa sa loob na magpakasal?

Nasa iyo na iyan. Pag-usapan ninyong mabuti ang planong pagpapakasal at huwag mo nang iisipin pa ang nauna niyang nobya. Tapos na sila at ikaw na ngayon ang kanyang mahal.

Dr. Love

AKO

AYAW

BAKIT

BOYFRIEND

DEAR MISS PISCES

DR. LOVE

MISS PISCES

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with