^

Dr. Love

Dr.Love Monday Special: Donita Rose–dating kabataang makulit, ngayo’y VJ na mainit

-
Ang pagiging video jockey sa MTV ay isang pangarap na natupad para sa akin. Dati kasi, kapag magkakasama kami ng mga kaibigan ko ay nagkukunwari kaming DJ sa radyo o VJ sa TV. Salitan kami na mag-introduce ng awit o video. Minsan sa mall, nakita ko yung poster na may audition para maging VJ sa MTV. Nang mga sandaling iyon, gusto kong kunin yung poster at itago para wala nang ibang makaalam tungkol sa audition at para ako na lang ang makuhang VJ. Siyempre, hindi ko ginawa iyon.

Nag-audition ako. Noong una, akala ko ay hindi ako makukuha. Pero tinawagan ako mismo ng MTV para maging "guest VJ." Kalaunan, kinuha na rin nila ako bilang regular na VJ ng MTV. Maraming magagandang pagkakataon at trabaho ang nabuksan sa akin dahil sa pagiging VJ ko. Tulad ngayon, modelo ako ng ilang mga kilalang produkto tulad ng Secret, Lux, Globe, Greenwich at Pepsi. Pero hindi ganito kasaya ang buhay ko bago ako naging sikat na VJ.

Lumaki ako sa isang tinatawag na Kristiyanong pamilya. Pero kahit mayroon akong takot sa Diyos, hindi totoo ang pagkakakilala ko sa Kanya. Pangkaraniwang gawain lang ang pagbabasa ng Bibliya–wala talaga sa puso. Pakiwari ko nga noon, napakalayo ng Diyos. Lagi akong nasasangkot sa kalokohan kahit noong bata pa ako. Madalas ko kasing banggitin sa nanay ko na naiinip ako.Yun bang tinatawag nilang "bored."Yun ako, kahit maraming puwedeng gawin tulad ng pagbabasa ng mga aklat o maging abala sa mga kapakipakinabang na gawain. Dahil nga sa kainipan ko, kung anu-anong kalokohan ang napapasukan ko.

Noong sumali ako sa showbiz, naging magulo rin ang buhay ko. Walang kapayapaan at naramdaman ko na may malaking kulang. Hinanap ko lahat ng makapagpupuno sa puwang na iyon sa buhay ko.

Pagkatapos ng iba’t ibang karanasan, kasama na ang init-lamig kong relasyon sa Diyos, nagdesisyon ako na itama na ang buhay ko. Doon ko lang isinukong lahat sa Diyos. Nang gawin ko iyon, napunan yung puwang sa kalooban ko. MTV VJ man ako o hindi, mayroon akong kapayapaan at tuwa sa puso ko.

At kung noon ay nakipagrelasyon ako sa isang lalaki na hindi naman kagustuhan ng Diyos para sa akin, ngayon naman hinihintay ko na ang Diyos ang pumili ng tamang lalaki para sa akin at sa buhay ko. Pagod na ako sa buhay na nangungumpromiso. Hindi ako tunay na masaya doon. Pero ngayon, basta sa Diyos, ayos ang lahat.

Donita


(Kung nais mong mapanood ang mga kuwento ng tagumpay na tulad nito, panoorin ang THE 700 CLUB tuwing Miyerkules ng hatinggabi at tuwing Linggo, 7:30 ng umaga, sa GMA-7. Puwede ring tumawag sa THE 700 CLUB Counseling Center sa 810-7717 at 810-7176. Bukas ito nang 24 oras. Sa mga nasa probinsiya, puwedeng gamitin ang PLDT line na 1-800-1-888-8700 (libre at wala ng operator) o sumulat sa P.O. Box 37, Greenhills, 1502 San Juan, Metro Manila.)

AKO

COUNSELING CENTER

DIYOS

METRO MANILA

NANG

NOONG

PARA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with