^

Dr. Love

Dr. Love Monday Special: Kamatayan ng ama, naging daan para magtino

-
Anak ako sa pangalawang pamilya ng kilalang aktor na si Vic Silayan. Bukod dito, naging Bb. Pilipinas ako at nanalong 3rd runner-up sa Ms. Universe beauty pageant. Isa rin akong aktres sa telebisyon at pelikula. Parang nasa akin na ang lahat. Pero ang tunay na nararamdaman ko ay kahungkagan. May malaking kulang. Meron akong hinanap pero hindi ko alam kung ano ito.

Nagpunta ako ng Amerika. Tinakasan ko lahat ng pangit sa buhay ko dito sa Pilipinas. Doon sa States, ginawa ko lahat ng gusto ko. Nagkaroon ako ng iba’t ibang karelasyon. Napansin ko na gusto ko yung mga mas nakatatandang lalaki. Minsan may mga asawa pa yung mga sinasamahan ko. Gusto ko yung "matured," puwedeng kausapin nang matino. Wala akong pakialam kung may asawa na sila. Pakawala ako noon sa States.

Tapos, namatay ang tatay ko. Nagalit ako sa Diyos. Kasi kahit anak ako ng aking ama sa kanyang pangalawang pamilya, "close" kami. Siya yung idol ko. Mas malapit siya sa akin kaysa sa mga kapatid kong lalaki. Pakiramdam ko nang mamatay ang ama ko, kinuha na lang siya ng Diyos nang walang sabi-sabi. Nasa States ako nang malaman kong patay na siya. Umuwi ako sa Pilipinas pero inabutan ko siyang nasa kabaong na. Sinisi ko ang Diyos dahil hindi Niya ako binigyan ng sapat na panahon para makasama ang aking ama bago siya namatay.

Ganoon pa man, yung kamatayan ng ama ko ang siyang ginamit ng Diyos para lumapit ako sa Kanya. Noong namatay kasi ang ama ko, naiisip ko kung hanggang sa ganito na lang ba talaga natatapos ang buhay, kung saan ba tayo pupunta pagkatapos mamatay. Nag-isip ako tungkol sa kawalang-hanggan.

Minsan, inimbitahan ako ng half-sister ko na dumalo sa isang charismatic fellowship. Nagulat ako. Sabi ko, ano ba ito? Charismatic... Praise the Lord? Halos lahat ng nandoon ay matatanda na nagtataasan ng mga kamay! Nakornihan ako sa kanilang lahat. Pero dumalo pa rin ako nung ikalawang araw at isa ako sa mga unang lumapit sa unahan para tanggapin ang Panginoong Hesus sa puso ko.

Kahit nasa Panginoon na ako, hindi pa rin ako perpekto. Lahat naman tayo ay may mga binubuno. Ang kinakailangan lang ay hayaan natin ang Diyos na kumilos sa atin. Hindi naman ang relihiyon ang makakapagligtas sa atin. Pag namatay tayo, hindi tatanungin ng Diyos kung saan ba tayong simbahan. Ang gusto ko ay makitang nagkakaisa lahat ng mga Kristiyano. At sa sarili ko naman, ang nais ko ay maging simpleng anak ng Diyos.


Chat


(Kung nais mong mapanood ang mga kuwento ng tagumpay na tulad nito, panoorin ang THE 700 CLUB tuwing Miyerkules ng hatinggabi at tuwing Linggo, 7:30 ng umaga sa GMA-7. Puwede ring tumawag sa THE 700 CLUB Counselling Center sa 810-7717 o 810-7176. Bukas ito nang 24 oras. Sa mga nasa probinsiya, puwedeng gamitin ang PLDT line na 1-800-1-888-8700 (libre at wala nang operator) o sumulat sa P.O. Box 37, Greenhills, 1502 San Juan, Metro Manila).

AKO

COUNSELLING CENTER

DIYOS

LAHAT

METRO MANILA

MINSAN

MS. UNIVERSE

NASA STATES

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with