Good day to you and the PSN staff.
First time ko pong sumulat sa inyo. Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong column. Lagi ko pong inaabangan at binabasa ang magagandang advice ninyo sa ibat ibang mga problema.
Kaya po ako sumulat ay dahil sa aking problema sa aking nililigawan. Tawagin lang ninyo akong "Jimwell Torrion" ng Sta. Monica, Hagonoy, Bulacan. Im 19 years-old. Ang nililigawan ko ay si "Chelle," 18 years-old.
Gusto ko po sana siyang kausapin kapag pumupunta siya sa pinsan niya na kaklase niya noong high school pero nahihiya ako. Minsan ay tinatanong ako nung pinsan niya kung may crush ako kay Chelle. Sabi ko ay oo. Hindi ko alam kung paghanga o pag-ibig ang nararamdaman ko para sa kanya.
Mahal ko po si Chelle at sa tindi ng nararamdaman ko sa kanya ay nalilito na ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.
Alam ko na kayo lang ang makapagbibigay ng karapat-dapat na advice sa problema ko.
Thank you, God bless and more power.
"Jimwell Torion"
Dear Jimwell Torion,
Sa murang gulang mo ngayon, malamang ay physical attraction lang ang nadarama mo.
In order to confirm kung true love ang nadarama mo, bakit hindi mo muna siyakaibiganin? Pero teka, nanliligaw ka na ba? Sa tono ng sulat mo ay parang hindi ka pa nakaka-first base eh.
Alam mo, ang pag-ibig ay nade-develop sa paglipas ng mga panahon. Habang nagkakakilala kayo nang husto, nalalaman ninyo kung may pag-ibig kayo sa isat isa.
Kung minsan, ang physical attraction ay lumilipas kaya itoy dapat pakasuriing mabuti.
Dr. Love