Problema ni Lonely Girl
September 25, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Im one of your avid readers. This is my first time to write to you.
Lumiham po ako para humingi ng advice. Alam kong marami na kayong matulungan na may problema sa puso.
Tawagin na lamang ninyo akong Lonely Girl, 23 years-old. Problema ko po kung ipagpapatuloy ko pa ang relasyon ko sa aking boyfriend. Matagal na po kaming mag-on, pitong taon na po. Noon ay wala kaming masyadong komunikasyon dahil malayo kami sa isat isa.
Nagtatrabaho ako sa Maynila bilang saleslady at siya naman ay security guard sa Mindanao. Pareho kaming abala sa aming mga trabaho kaya hindi namin masyadong nabibigyan ng pansin ang aming relasyon.
Noong umuwi ako sa Mindanao para magbakasyon, nagkita kami at naging masaya ang aming pagkikita. Ayaw niyang pumayag na bumalik ako ng Maynila dahil handa na raw siya para sa aming dalawa.
Sinabi ko sa kanya na hindi pa ako handa at gusto kong kahit na paano ay makaipon ng pera.
Sumulat ako sa kanya tulad ng aking pangako pero hindi niya ito sinagot sa kabila ng pangako niyang lagi niyang sasagutin ang mga sulat ko.
Ano po ba ang aking gagawin? Mayroon kaming sumpaan na hindi magtataksil ang sinuman sa amin.
Mayroon na kaya siyang ibang mahal? Ano po ang aking gagawin?
Lubos na gumagalang,
Lonely Girl
Dear Lonely Girl,
Maaaring nasanay na ang boyfriend mo na hindi kayo nagsusulatan sa mahabang panahon bago kayo nagkitang muli.
Mahirap magkalayo ang dalawang pusong nagmamahalan lalo nat matagal na panahon. Maaaring may iba na siyang nililigawan kaya palagay ang loob niya kundi man nakasanayan na nga ang hindi pagsusulatan o maaaring ibinabahala na lang niya sa kapalaran kung magkakatuluyan kayo o hindi.
Sumulat ka ulit at dito ay magbigay ka ng ultimatum. Alamin mo kung ano ba ang score ninyo sa isat isa.
Maaari rin namang sumama ang loob niya sa iyo dahil pinipigilan ka niyang umalis ay nagpilit ka.
Suriin mo ang iyong sarili. Kung hindi ka pa talaga handang mag-asawa, bakit mo pipilitin ang sarili mo? Mabuti at praktikal ka sa buhay at hindi mo pinaiiral ang puro puso lamang. Ang huling pasya ay nasa iyo.
Kung talagang mahal mo siya, sulatan mo siya at sabihing payag ka nang magpakasal kayo. Kung hindi naman, panindigan mo ang desisyong magtrabaho muna para mapaghandaan ang inyong kinabukasan.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended