Dr. Love Monday Special: Payasong bigo sa pag-ibig
September 17, 2001 | 12:00am
Akoy nagtatrabaho bilang isang clownnagmamagic, nagpapatawa. Pero dumating yung punto sa buhay ko na wala nang nakakatawa. Isang gabi, sa harap ng TV, hawak ko sa isang kamay ang mauubos nang bote ng beer at sa kabilang kamay naman ay isang kargadong baril. Balak kong magpakamatay. Bakit? Pinagtaksilan ako ng syota ko.
Wala man lang akong hinala na magagawa niya iyon sa akin. Tuwing dadalaw naman ako sa bahay niya, malambing naman siya sa akin. Pero noong Valentines Day, nalaman ko na lang na sumama siya sa ibang lalaki. Siya pa naman yung babaeng balak kong pakasalan.
Masamang-masama ang loob ko at sa aking kabiguan ay ipinasya kong magbaril sa ulo nang gabing iyon. Kaya lang, nang itutok ko na ang baril sa sentido ko, narinig ko yung boses ni Coney Reyes. Nakabukas ang TV noon sa The 700 Club Asia. Sinabi ni Coney: "Mayroong tao ngayon na gustong magpakamatay...huwag nyo pong gawin ito. Mahal kayo ng Diyos at mayroong pag-asa ang buhay mo kay Jesu Cristo."
Napatingin ako sa mga telephone numbers na naka-flash sa TV. Tinawagan ko ito at ang nakasagot ay si Fe Daluz. Pinayuhan ako ni Ate Fe at ipinaalala niya sa akin lahat ng mga dahilan para ako ay magpatuloy sa buhay. Sinamahan niya ako sa aking panalangin ng pagtanggap kay Hesus bilang sarili kong Tagapagligtas at Panginoon.
Pagkatapos noon, nagbago ang mood ko. Nawala ang pagka-depress ko. Hindi ko akalaing mayroon pang makakatulong sa akin. Ngayon, tunay na ang aking mga ngiti at tawa dahil galing na ang mga ito sa puso ko.
Dennis
(Kung nais mong mapanood ang mga kwento ng tagumpay na tulad nito, panoorin ang THE 700 CLUB tuwing Miyerkules ng hatinggabi at tuwing Linggo, 7:30 ng umaga sa GMA-7. Pwede ring tumawag sa THE 700 CLUB Counseling Center sa 810-7717 o 810-7176. Bukas ito nang 24 oras. Sa mga nasa probinsiya, puwedeng gamitin ang PLDT line na 1-800-1-888-8700 (libre at wala nang operator) o sumulat sa P.O. Box 37, Greenhills, 1502 San Juan, Metro Manila).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended