Tunay na lalaki
August 23, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hello! Masaganang pangungumusta sa inyo at iba pa ninyong kasamahan sa pasulatan.
Ako po ay nangahas na sumulat sa inyo para ipaabot ang aking personal na problema. Ang hindi ko po maunawaan sa aking sarili ay kung bakit sa kabila ng pangyayaring mayroon na akong nobya na pinagsikapan kong ligawan at mapasagot, parang mayroon pang attraction sa akin ang kalalakihan lalo na yaong guwapo at may seksing pangangatawan.
Hindi po alam ng nobya kong si Pearly ang damdamin kong ito dahil ang dating ko sa kanya ay lalaking-lalaki.
Hindi ko naman gustong magkasira kami ng girlfriend ko, pero talaga namang hindi ko maiwaksi sa aking isipan ang mga lalaking nakikilala ko na nag-aangkin ng mga nabanggit kong katangian.
Ano po ba ang pagtaya ninyo sa katauhan ko? Isa ba akong A-C-D-C?
Hindi ko gustong mabilad sa publiko ang tunay kong katauhang ito. Unang-una, baka ako itakwil ng aking pamilya at pangalawa, hindi ko pa nga siguradong gay nga ako.
Ano po ba ang maipapayo ninyo sa akin? Kailangan ko bang ipagtapat ito kay Pearly?
Salamat po sa pang-una ninyo sa akin at sa payo ninyo.Ang inyong tagahanga,
Dante
Dear Dante,
Salamat sa liham ko at sana, hindi ka manghinawa sa pagsubaybay sa pitak na ito at sa pagbabasa ng aming pahayagan.
Ganap kong nauunawaan ang pangamba mo sa tunay mong katauhan. Maaaring tama ang hinala mo na gay ka nga, kaya lang ay ayaw mong aminin sa sarili mo ang katotohanang ito.
Ang pag-amin sa katotohanan ang siyang magpapalaya sa iyo.
Kung ako sa iyo, ipagtapat mo na ito sa iyong nobya bago mahuli ang lahat at kamuhian ka pa niya.
Kung matatanggap ka niya bilang ikaw, fine. Mayroon namang relasyon ng ganitong pareha na nagiging matagumpay basta malinaw ang inyong usapan. Kung hindi naman niya matanggap ang katotohanang ikaw nga ay isang gay, baka naman may paraan pang patunayan mo na ikaw nga ay isang tunay na lalaki at mali ang sapantaha mo sa sarili.
Iwasan mo ang laging pagbarkada sa mga may problema sa kasarian dahil baka sakaling masumpungan mo ang sariling iba kaysa kanila.
Kung tunay namang mulat sapol ay gay ka nga, anumang pagtatago mo ng lihim ay sisingaw din iyan.
Nasa iyo lang naman ang determinasyon kung anong kasarian ang talagang bagay sa iyo. Kung sino ikaw.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended