Problema ni Emie
August 17, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hi! How are you? Hope you are doing fine. Isa po ako sa tagasubaybay ng column ninyo at tagahanga. Ako po si Emie, 21 years-old.
Ang problema ko po ay tungkol sa pamilya ko at sarili ko. Alam ninyo, bata pa po ako nang mag-asawa. Ayaw pumayag ng mga magulang at mga kapatid ko pero pinilit ko sila. Sixteen years-old lang ako ay may anak na ako. Mas matanda sa akin ng walong taon ang napangasawa ko. Dalawa ang naging anak namin.
Sa ngayon ay hiwalay na kami ng asawa ko kahit na kasal kami. Mahigit isang taon na kaming hiwalay dahil ang mga hindi niya dapat gawin ay ginagawa niya at hindi po kami magkaintindihan. Alam ninyo, mahal na mahal ko ang asawa ko pero mas pinili ko ang mga anak ko kaysa sa kanya. Seloso siya at lagi kaming nag-aaway.
Sa ngayon ay nandoon ang mga anak ko sa mga magulang ko sa Davao. Natatakot kasi ako na baka kunin ng asawa ko ang mga anak ko. Hindi ko kayang mawala sila sa akin.
Sana po ay bigyan ninyo ako ng payo, Dr. Love. May plano po akong magpunta sa Japan.Tama kaya ang gagawin kong ito? Aasahan ko po ang payo ninyo. Maraming salamat.
Umaasa,
Emie dela Torre
El Rosorio, Marikina City
Dear Emie,
Kung pupunta ka sa Japan upang takasan ang iyong problema, forget the idea. Pero kung magtatrabaho ka para sa iyong mga anak at kung magiging maganda naman ang lagay mo doon, go for it.
Ang problemay susunod at susunod sa iyo saan ka man magpunta kaya dapat mo itong harapin.
Hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan ng inyong paghihiwalay, pero nasubukan mo na bang makipagkasundo upang kayoy magkabalikan? Kung mahal mo siya, explore all possibilities para ma-revive ang inyong pagmamahalan.
Ngunit kung sa kabila ng lahat ay wala pa ring mangyaring balikan, marahil ay hindi kayo laan para sa isat isa.
Maaari kang sumangguni sa abogado hinggil sa annulment o pagpapawalang-bisa ng kasal ninyo.
Hindi ako pabor sa hiwalayan pero kung wala nang remedyo, may mga legal measure na maaaring gawin.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended