Hati ang pag-ibig
August 12, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Greetings in the name of our Lord and Saviour Jesus. Matagal na po akong nagbabasa ng column ninyo at akala ko ay hanggang sa pagbabasa na lang ako. But I found out na kailangan ko ring humingi ng advice ninyo.
Im Lynniol Ababa, 23 years old, fourth year college sa St. Marys College sa Tagum City.
Ang problema ko po ay mayroon akong dalawang boyfriend -- sina David at Edwin. Ang una ay taga-US at ang huli ay taga-Tagum.
Naguguluhan po ako kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin ko ksi pareho ko silang mahal.
Si David ay diborsiyado at may isang anak na babae. This year, he came here in the Philippines and proposed to marry me.
Ang lokal ko namang boyfriend na si Edwin ay binatang-binata, walang sabit sa buhay at nag-propose rin siya na pakasal na kami. Isa siyang driver.
Dr. Love, sino sa dalawa ang pipiliin ko? Sana mapayuhan ninyo ako.
Thank you and more power to you and God bless you.
Always,
Lynniel
Dear Lynniel,
Higit sa lahat ay ikaw lang ang makapagsasabi kung sino ang higit mong mahal. Gayunman, magbibigay ako ng mga gabay na makatutulong sa pagpili mo ng tamang lalaking pakakasalan.
Si David ika mo ay isang Amerikano, diborsiyado at may isang anak.
Okay, kung siya ang pipiliin mo, narito ang ilang mga pros and cons.
Kano si David, Hindi mo naman siya masyadong kilala at iba ang kanyang ugali, tradisyon at kinalakihang environment. Makakaagapay ka ba sa ugali ila sa US at lubos mo bang kilala ang tunay na si David? Bakit sila nagkahiwalay ng kanyang asawa? Tinuklas mo ba ito? Magustuhan ka kaya ng anak niya?
Iba ng pagkakilala mo sa isang lalaking minsan mo lang nakita at nakasama at sa pamamagitan lang ng sulat nangyayari ang inyong komunikasyon.
Maaaring gusto mo lang ma-challenge at makipagsapalaran sa pag-aasawa ng isang dayuhan. Ako ay ilang beses nang nagpabalik-balik sa US at hindi ko pa magamayan ang kanilang ugali at kultura doon. Hindi ko gustong akitin kang maniwala sa akin. Pero ito ang nararamdaman ko tuwing ako ay nasa US.
Ang sabi mo, si Edwin ay mahal mo rin, subalit isa lamang driver. Ano ba ang hanapbuhay ni David?
Kilala mo na si Edwin. Kilalang-kilala mo ang lalaking ito dahil kababayan mo siya. Huwag mong hamakin ang kanyang pinagkakakitaan. Ang mahalaga, responsable siya at hindi pabigat sa buhay. Hindi niya ikinahihiya ang trabaho niya bastat malinis at legal.
Huwag kang padala sa panlabas na anyo lamang. Kailangang siyasatin mo munang mabuti ang mga bagay-bagay bago ka gumawa ng desisyon.
Nais ko palang itanong kung bakit kinakailangan ni David na maghanap pa sa ibang bansa ng mapapangasawa. Wala ba siyang makitang kababayan niya na magtitiyag sa kanya at mag-aalaga ng kanyang anak?
Sana, ang mga gabay na nabanggit ko ay makatulong sa pagpapasya mo.
God bless you. Bago ka rin gumawa ng desisyon, makabubuting sumangguni ka sa iyong mga nakatatandang miyembro ng pamilya at huwag padadala sa simbuyo ng damdamin.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended