^

Dr. Love

Forget him

-
Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Jenna, 21 years-old. May isang lalaki akong minahal at siya po ay si Joey. Two years kaming naging mag-on at hindi ko akalain na ipagpapalit niya ako sa aking kaibigan.

Nang ipagtapat niya sa akin na may nangyari na sa kanilang dalawa ay iyak ako nang iyak dahil hindi ko matanggap na kaibigan ko pa ang naging karibal ko. Pinikot daw siya. Mahal na mahal daw niya ako pero pinilit daw siya ng kaibigan ko kaya niya nagawa iyon.

Pero hindi ako naniniwala sa kanya. Buo na ang pasya ko na makipaghiwalay sa kanya. Kahit masakit ay tatanggapin ko na lang. Siguro ay talagang hindi kami para sa isa’t isa. Sinabi ko sa kanya na kung talagang mahal niya ako ay pakasalan niya ang aking kaibigan.

Tama ba ang desisyon ko na hayaan na lang silang dalawa at kalimutan na siya kahit masakit sa akin?

Dr. Love, bigyan po ninyo ako ng payo kung ano ang dapat kong gawin. Gusto ko po sanang magkaroon ng mga kaibigan sa panulat kaya inilagay ko ang aking address. Marami pong salamat.

Jenna S. Jikiron
712 Brgy. Medicion II-F,
Imus, Cavite



Dear Jenna,


Masuwerte ka. Bakit? Kasi habang maaga’y nakilala mo ang tunay na pagkatao ng ex-bf mo.

Kung nangyari ang pagsasalawahan niya nang kasal na kayo, mas matindi ang sugat na lilikhain niyan sa puso mo.

Limutin mo siya dahil hindi siya karapat-dapat sa iyo.

Marami ka pang makikilalang mga lalaki. Mula sa kanila’y piliin mo ang karapat-dapat pagsanlaan ng iyong puso.

Dr. Love

AKO

BAKIT

BRGY

BUO

CAVITE

DEAR JENNA

DR. LOVE

JENNA S

MARAMI

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with