^

Dr. Love

Love ko ang tutor ko

-
Dear Dr. Love,

Isa pong masaganang pangungumusta. Hindi ninyo naitatanong, masugid ninyo akong mambabasa at sana ay ituring na rin ninyo akong isang malapit na kaibigan.

Naisipan ko pong lumiham sa malaganap ninyong pitak para maibahagi ang maganda kong karanasan sa pag-ibig na sana ay maging mabuting ehemplo sa iba pa ninyong mambabasa.

Wala po akong problema sa pag-ibig sa ngayon. Ang tangi kong problema ay magkalayo kami sa isa’t isa subali’t kaya naman siya malayo sa akin ay dahil kailangan niyang magtrabaho sa abroad.

Nabuo ang aming magandang pagtitinginan nang si Sweetie ay kuning tutor ko sa Math. Isa kasing inhinyero si Sweetie kung kaya’t maraming nagpapatutor sa kanya noon sa aming lugar.

Kinse-anyos pa lang ako noon at wala pang kamuwang-muwang sa pag-ibig. Subali’t kahit pala bubot pa lang ako noon, may crush na sa akin si Sweetie kaya nga lang ay hindi niya iyon masabi dahil bata pa ako samantalang siya ay mas matanda sa akin nang limang taon.

Natapos ako sa high school at siya pa rin ang tutor ko sa Math, Physics at iba pang mga subjects na related sa mga numbers. Hindi pa rin niya nasasabi sa akin ang lihim niyang pag-ibig.

Noong mag-college ako, nalipat ako sa Maynila samantalang ang aking tutor ay nagpunta naman sa Saudi Arabia para magtrabaho. Nagkahiwalay kami ng landas. Nang bumalik siya para magbakasyon, tamang-tamang debut ko naman kaya inimbita ko siya. Noon ay nakita niya na ang dating bugnuting dalaginding ay isa nang dalaga kaya’t nagkalakas na siya ng loob na magsabi ng inalagaang pagmamahal.

Ako naman, siyempre, excited din ako dahil noon pa man ay crush ko na siya. Kasi ang akala ko, hindi niya ako pinapansin dahil bata pa ako at noon kasi ay mayroon siyang girlfriend.

Mahal na mahal ko siya at ako naman ay ganoon din sa kanya. May usapan kami na kailangan muna niyang mag-ipon ng pera at pakakasal kami sa sandaling matapos na ako sa kinukuhang kurso.

Kahit kami magkalayo, may tiwala kami sa isa’t isa dahil may solidong pundasyon ang aming relasyon na inalagaan ng panahon.

Isang taon pa ang aming ipaghihintay para makatapos ako sa pag-aaral subali’t kung ang tatanungin ay ang aking Sweetie, gusto na niyang pakasal na kami kahit na ngayon at ipagpapatuloy ko na lang daw nag aking pag-aaral kahit mag-asawa na kami.

Sana po ay tuluy-tuloy ang aming magandang relasyon at ito ang dalangin ko sa Maykapal.

Sana po ay may mapulot na magandang aral dito ang iba pang mga kababaihang tulad ko.

More power to you at hangad ko po ang patuloy ninyong tagumpay.

Nilda


Dear Nilda,


Ikinatutuwa kong hindi naman pala lahat ng lumiliham sa pitak na ito ay mayroong problema.

Sana nga ay tuluy-tuloy na ang kasal ninyo ng nobyo mo.

Talagang kung ang isang lalaki at babae ay magkapalaran, magtagal man ang pagkakahiwalay ay sila pa rin ang magkakatuluyan.

Dalangin ng pitak na ito ang inyong kaligayahan.

Dr. Love

AKO

DALANGIN

DEAR NILDA

DR. LOVE

IKINATUTUWA

ISA

KAMI

SANA

SAUDI ARABIA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with