Unlucky Girl

Dear Dr. Love,

Good day to you and to your staff. Just like others, I need your advice much more your help. I am a teacher in my late 30’s.

Nakagawa ako ng malaking pagkakamali o ewan kung katangahan ‘yun sa iba. Nagpakasal ako sa isang lalaking may asawa na at isang anak. Noong hindi pa kami kasal, nilalakad niya yung annulment nila subalit hindi na kami nakapaghintay kaya’t napilitan akong pumayag na pakasal sa kanya kahit alam kong hindi ito valid. Naniniwala ako sa kanyang mga pangako.

Ngayon ko napagtanto na niloko lang pala niya ako. Ang masakit pa ay hindi niya ako itinuring na totoong asawa niya. Hindi siya naging tapat sa akin at maramot siya lalo na sa pera.

Kaya naman nais ko nang humiwalay sa kanya kahit na wala pa kaming anak na noong una ay gustung-gusto kong magkaroon. Dalawang taon na kaming nagsasama.

Kasalanan ko ba kung maghanap ako nang iba at ng mga bagay na di ko natikman sa piling niya? Maaari rin ho ba akong humingi ng pabor? Baka may gustong makipagkaibigan sa akin. Kayo na sana ang bahalang magbigay ng aking pangalan at address dahil nahihiya ako sa aking sinapit. Itago na lamang ninyo ako sa pangalang....

Unlucky Girl


Dear Unlucky Girl,


Marahil, isang legal advise ang kailangan mo. Your problem is not as simple as you think because yours is a case of bigamy. What makes the matter worst is the fact that you knew that your boyfriend is legally married when you agreed to marry him. Kumonsulta ka sa isang lawyer para malaman kung ano ang mabuti mong gawin.

Sabi nga, laging nasa huli ang pagsisisi pero nangyari na iyan. Nawa’y kinapulutan mo ng gintong aral ang iyong karanasan.

Kung ako sa iyo, aayusin ko muna ang aking problema bago humanap ng iba. Otherwise, you may be embarking on a more serious problem.

Hindi lang payo ang kailangan mo kundi legal action na abogado lang ang makakatulong o makapagbibigay.

Dr. Love

Show comments