Umiibig ako sa isang babae
July 15, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
First of all, I would like to greet you a pleasant day.
Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Miss Aquarius, 16 years old. Matagal ko na pong gustong sumulat sa inyo, kaso lang hindi ko alam ang address ninyo noon.
Pero ngayong alam ko na, hindi na ako nagdalawang-isip na sumulat sa inyo para humingi ng tulong.
Ang problema ko po ay ang tungkol sa aking sarili. Umiibig ako sa isang babae na tawagin mo na lang sa pangalang Miss Lonely Girl.
Mag-iisang taon na kaming mag-on. Mabait siya at maunawain. Sa pamamagitan lang ng sulat ang aming communication.
Dati po ay ang dalas-dalas niyang sumagot ng sulat ko pero ngayon, habang tumatagal, pakiramdam ko ay nagbabago na siya sa akin.
Sa isang buwan, isang beses lang akong makatanggap ng sulat na kaagad ko namang sinasagot.
Totoo kayang mahal niya ako? Kung ako ang tatanungin, hanggang kamatayan ang pagmamahal ko sa kanya. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng advice kung ano ang dapat kong gawin para hindi siya magbago sa akin.
More power and God bless you all!
Gumagalang,
Miss Aquarius
Dear Miss Aquarius,
Isa ngang problema para sa iyong sarili ang makaramdam ng pag-ibig sa isang kabaro. Totoo ba iyan?
Ikaw ba o si Lonely Girl ang mayroong damdaming lalaki?
Hindi kasi maliwanag sa liham mo.
Ang masasabi ko lang, kung ikaw ang may pagka-tibo, hindi kaya puwedeng baguhin mo ang iyong sarili? Alam kong mahirap itong gawin kung talagang likas kang isinilang na hindi babae ang puso.
Kung ang kaibigan mo naman ang siyang may pusong lalaki at ikaw ang napagusto sa kanya sa pamamagitan lang ng liham, problema rin iyan.
Wala bang lalaking nanliligaw sa iyo at isa pang kabaro mo ang napamahal sa iyo?
Bata ka pa Miss Aquarius at sa edad na 16 na taon, mababago mo pa ang sarili para na rin sa kabutihan mo.
Kung mayroong mangilan-ngilan lamang na naging magandang pagsasama na lalaki sa lalaki at babae sa babae, mabibilang mo lang iyan sa daliri.
Baka kaya dumadalang na ang sulat sa iyo ng kaibigan mo ay nagbabago na nga siya.
At saka, sa sulat mo lang pala nakilala ang sinasabi mong mahal mo hanggang kamatayan. Ano naman ang pinagbatayan mo? Maging resonable ka dahil hindi mo pa ganap na kilala ang kasulatan mo. Nakita mo na ba siya ng personal?
Baguhin mo ang pananaw mo sa buhay. Sa taong ito, ipangako mong magpapakababae ka at sasamahan mo ng dalangin ang resolusyong ito.
Bakit hindi mo ako sulatan uli ng personal at baka ibayo pa kitang mapapayuhan. Lakipan mo ng selyo ang liham mo at gayundin ng address mo para masagot kita nang hindi na dadaan pa sa column ang kasagutan ko.
Ituring mo akong isang malapit na kaibigan na nakakaunawa sa problema mo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended