Pampalubag-loob lang pala
July 12, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong masaganang pagbati sa inyo at iba pa ninyong kasamahan sa inyong malaganap na pahayagang PILIPINO STAR NGAYON.
Hindi po ninyo naitatanong, masugid akong tagasubaybay ng inyong pitak at masasabi kong ito ay very informative at hitik ng mga aral sa buhay para maging gabay ng inyong mambabasa.
Lumiham po ako sa inyo para isangguni kung ano ang dapat kong gawin ngayong nabatid kong mayroon nang ibang nobya ang aking boyfriend at kung dinadalaw lang niya ako ngayon paminsan-minsan, ito lang pala ay pampalubag-loob lang dahil malaki ang utang na loob niya sa aking pamilya.
Matagal na po kaming magkasintahan ni Fidel. Magkakilala ang aming mga magulang at masasabi kong utang niya sa aking pamilya ang pagtatapos niya sa kolehiyo dahil sa tulong na kaloob ng aking ama.
Hindi ko po alam na may lihim palang tulong pinansiyal na ibinibigay ang aking ama sa ama ni Fidel para makapagpatuloy ng pag-aaral ang kanyang anak. Marami kasing magkakapatid sina Fidel kaya nagkaroon ng problema sa pagtataguyod sa kanila ang kanyang ama.
Ako po naman, hindi ko gustong itali si Fidel sa isang relasyon kung ito ay pilit na pilit at bunsod ng pagbabayad ng utang na loob.
Mahal ko po si Fidel subalit kaya ko siyang kalasan kung mayroon na siyang ibang mahal at ang turing lang niya sa aming relasyon ay pagbabayad lang ng utang.
Tinanong ko po naman siya kung mayroon na siyang ibang girlfriend subalit hindi ako kumbinsido sa kanyang kasagutan. Alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo.
Hangad ko po ang daglian ninyong kasagutan sa problemang ito.
Juliet
Dear Juliet,
Salamat sa liham mo at sana ay makatagpo ka ng kapayapaan ng damdamin sa payong ibibigay ko sa iyo.
May kalayaan kang magpasiya kung ano ang makabubuti sa iyo at makapagkakaloob sa iyo ng kapayapaan ng isipan at damdamin.
Kung minsan, mayroong nabubuong relasyon sa pagitan ng isang babae at lalaki dahil talagang nagkakagustuhan sila at kung minsan naman, kung inuudyukan ang isang binata ng mga magulang na ligawan ang isang babae para magkaroon siya ng mahusay na kinabukasan. May ganito ring sitwasyong nagaganap sa parte naman ng isang babae.
Tunay na masakit mabatid na wala naman palang tunay na damdamin sa iyo ang kasintahan at kung niligawan ka man, ito ay para lang makabayad ng utang na loob.
Kung alam ng bf mo na may utang na loob sa iyong magulang ang kanyang ama, hindi maganda ang intensiyon niya sa iyo dahil ang pagmamahal na ipinakikita niya ay pakunwari. Lilitaw ang tunay niyang damdamin sa isang babae sa sandaling makatagpo na siya ng tunay na mahal at ito nga ay nakita na niya sa iba.
Kalasan mo na siya at huwag mo nang hayaang kahabagan ka pa niya para lang kayo ay magkatuluyan dahil hindi tatagal ang inyong pagsasama sa ganyang arrangement.
Hangad ko ang pagkakatagpo mo ng tunay na magmamahal sa iyo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am