Miss Lonely Girl nais makilala

Dear Dr. Love

First of all, I would like to greet all of you at PSN, especially you, Dr. Love.

Tawagin n’yo na lang akong Mr. L.B. Lumiham po ako sa inyo para hingin ang tulong ninyo kung saan ko masusulatan si Ms. Lonely Girl na ang liham ay inilathala ninyo last Jan. 25.

Ibig ko po sana siyang makilala kahit sa sulat lamang, kasi po halos pareho kami ng katayuan. Halos lahat ng sinulat niya ay tulad din ng aking problema. Ang pagkakaiba nga lang ay naranasan ko na ang umibig at ibigin.

Ang akala ko nga ay kami na. Kasal na lang po ang kulang. Pero naging masakit sa akin ang wakas. Ako nga ang una pero hindi pala ako ang huli.

Nakatapos na ako ng pag-aaral at naghahanap na lang ng trabaho at ito ngayon ang aking pinagkakaabalahan ang aking pamilya, trabaho at pati na ang pagbabasa ng inyong column.

Dito ko nga po nabasa ang liham ni Ms. Lonely Girl. Dahil sa sulat niya nabuhayan ako ng loob. Ewan ko kung bakit ibig ko siyang makilala.

‘‘To Ms. Lonely Girl, sana mabasa mo ito. Sana pagtiwalaan mo ako at pahintulutan mo akong sulatan ka upang magkakilala tayo nang husto. Ipinangangako ko na hindi ka magsisisi. Hoping na makapasa ka sa NSAT. Kaya mo iyan.’’

Dr. Love, ibigay mo po kay Miss Lonely Girl ang address ko at tunay na pangalan. Siya na yata ang matagal ko nang hinihintay at dinarasal na magpapaalis ng bigat sa aking dibdib. Huwag mo sana akong bibiguin.

Gumagalang,
Mr. L.B.


Dear Mr. L.B.,


Hangad din ng pitak na ito na magkakilala kayo ni Ms. Lonely Girl.

Sisikapin naming hanapin sa file ng aming mga liham ang tunay na pangalan at address ni Ms. Lonely Girl. Sana kung mababasa niya ang liham na ito ay tumawag lang siya sa aming pasulatan para makuha ang tunay mong pangalan at address.

Good luck at sana, siya na ang babaeng pangarap mo.

Dr. Love.

Show comments