Niloko lang ba siya ng crush niya?
May 26, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo. Nais ko pong ilahad sa inyo ang problema ko sa puso. Tawagin na lamang ninyo akong Miss Scorpio, 20-anyos at wala pang boyfriend. Maraming nanliligaw sa akin pero hindi ko sila pinapansin. May crush kasi ako at close kami. Pero di ko alam kung may gusto siya sa akin. Minsan naman ay nagpapalipad-hangin siya pero wala naman siyang sinasabi kapag harapan na. Close na siya sa mother ko, mga kapatid at mga pinsan ko. Alam ko na matagal na silang break ng girlfriend niya. Madalas siya sa canteen namin at doon kumakain. Minsan ay niyaya ako sa fiestahan sa kanila pero di ako sumama dahil ang sabi ko ay di-papayag ang mother ko kahit na gustung-gusto ko. Naaasar nga ako sa sarili ko sa pagpapakipot ko pero may mga dahilan naman talaga ako. Una ay ang aking studies and my mom na ayaw pa akong magka-boyfriend hanggat hindi ako nakakatapos ng college. Naiintindihan ko naman ang mother ko pero siyempre bilang isang dalaga ay hinahanap ko rin na matamasa kung paano ang magka-boyfriend.
Nag-graduate na si Bhabes, ang pangalan ng crush ko at nanood pa ako ng kanilang graduation ceremonies. I congratulated him pero nasaktan ako kasi may ka-holding hands siyang babae na hindi ko alam kung kaano-ano niya. That moment ay parang gusto kong matumba. Pinaniwala ko kasi ang sarili ko na totoo ang mga palipad-hangin sa akin ni Bhabes. Nang batiin ko siya, bumitiw siya sa pagkakahawak noon sa babae at pinasunod niya ito sa parents niya. Ano ang ibig sabihin nito?
Pero kahit alam kong may girlfriend na siya, mahal na mahal ko pa rin siya. Tulungan po ninyo ako sa dapat kong gawin.
Miss Scorpio
Dear Miss Scorpio,
Sa palagay ko ay hanggang pagkakaibigan lamang ang relasyon ninyo ni Bhabes. I dont think na niloko ka niya dahil mas masama naman kung niligawan ka niya at naging girlfriend tapos ay mayroon pala siyang iba pang nobya. Sa tagal ba naman ng pagkakakilala ninyo, kung talagang may gusto siya sa iyo ay niligawan ka na nito. The thing is hindi niya ito ginawa dahil mayroon siyang girlfriend na kasama niya noong graduation niya.
Anyway, magtapos ka na lang muna ng kolehiyo para hindi ka na nahihirapang magdesisyon between your parents and having a boyfriend. Kung tapos ka na, siguro naman ay hindi ka na babawalan ng mga magulang mo na magka-boyfriend, hindi ba?
Isa pa, baka naman Bhabes is not the right guy for you. Maghintay ka at darating din ang karapat-dapat na lalaki para sa iyo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended