^

Dr. Love

Problematic Girl

-
Dear Dr. Love,

Sumulat po ako sa inyo para humingi ng payo. Ako po ay 16 years-old at may nanligaw sa akin na 20 years-old. Sa edad ko pong ito ay naranasan ko na kung paano ang maging tunay na babae dahil sa lalaking ito.

Hindi ko po alam na lolokohin lang pala niya ako matapos kong ibigay sa kanya ang lahat-lahat. Gusto ko pong gumanti sa panlolokong ginawa niya sa akin.

Ano po ang dapat kong gawin? Sana ay turuan po ninyo ako ng dapat kong gawin para makaganti sa kanya. Wala po akong ibang mahihingan ng tulong kundi kayo lamang kaya sana ay huwag ninyo akong bibiguin sa aking kahilingan. Ako po ay nasa third year high school sa aming lalawigan. Mahirap lang po kami at gusto kong makatapos ng pag-aaral kahit high school lang. Gusto ko rin pong makapag-abroad para maiahon sa kahirapan ang aking mga magulang at mga kapatid.

Problematic Girl


Dear Problematic Girl,


Totoong masakit ang ginawa sa iyo ng syota mo. Pero masama ang maghangad ng kapahamakan sa iyong kapwa ano pa man ang atraso niya sa iyo.

Bayaan mong ang Diyos ang humatol sa boyfriend mong nagsamantala lang sa iyong pagkababae.

Sana’y magsilbing aral ang karanasan mo upang huwag ka nang madapa uli sa kaparehong pagkakamali.

Lagi kang manalangin at magpagabay sa Diyos. Ituloy mo ang iyong pag-aaral at isaisantabi muna ang pag-ibig at tiyak na makakamit mo ang tagumpay.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BAYAAN

DEAR PROBLEMATIC GIRL

DIYOS

DR. LOVE

ITULOY

LAGI

MAHIRAP

PROBLEMATIC GIRL

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with