Handa ka bang magtiis?
May 11, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo. Sumulat po ako sa inyo dahil sa aking problema sa pag-ibig. Mayroon po akong kasintahan at tawagin na lamang natin siyang Mr. Security. Mahal ko po siya at ayaw kong mawala siya sa akin. Pero ewan ko ba kung bakit sa kanya pa ako umibig. Dahil sa labis kong pagmamahal sa kanya, tiniis ko ang lahat ng mga paghihirap na ibinigay niya sa akin. Alam mo Dr. Love, mahirap siyang pakibagayan. Lahat ng aking lakad ay pinakikialaman niya. Hinihigpitan din niya ako sa aking pakikipagkuwentuhan kahit na sa mga kaibigan ko lalo na sa mga lalaki. Pinagseselosan din niya pati pinsan ko.
Bakit kaya ganito ang ipinakikita niya sa akin? Minsan ay tinatanong ko siya kung bakit siya ganoon at ang sabi niya ay dahil mahal daw niya ako. Nagtataka ako kung bakit ganito siya magmahal. Ganito ba ang tunay na pag-ibig?
Please help me, Dr. Love. Thank you and God bless.
Lady Aries
Dear Lady Aries,
Ang mga taoy may kanya-kanyang ugali. Ugaling hindi natin maunawaan at hindi puwedeng kuwestiyonin.
Kung tunay ang pagmamahal mo sa isang tao, dapat mong tanggapin anuman ang kanyang ugali.
Ngunit handa ka bang magtiis? Kung kayoy makasal at magsasama habambuhay, puwede mo ba siyang pakibagayan?
Iyan ang pakaisipin mo nang sa gayoy hindi ka magsisi sa dakong huli.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended