Problema ni Lhan
May 6, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
A pleasant day to you. Isa po ako sa milyun-milyon ninyong tagahanga. Sa katunayan po ay una ko palang pagliham sa inyo para humingi ng advice at para malaman din po ng nobya ko na talagang sincere ako sa kanya at talagang mahal na mahal ko siya.
Tawagin nyo na lang po akong Lhan ng Laguna. Ang problema ko po ay ang relationship naming dalawa ng nobya kong si Nene. Mayroon po kaming hindi pagkakaunawaan sa isat isa dahil sa ngayon po ay magkalayo kami. Nandito po ako ngayon sa Riyadh at nagtatrabaho bilang karaniwang manggagawa.
Nais ko lang pong ipabatid sa kanya na sa kabila na magkalayo kami ngayon at wala akong ibang iniisip gabit araw kundi siya. At sa kabila na may nangyayari sa relasyon namin na hindi maganda ay hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kanya. Dr. Love, mali po bang magmahal nang lubusan?
Kaya heto po ako ngayon, nahihirapan dahil sa buong buhay ko, siya lang po ang minahal ko nang ganito. Dr. Love, hayaan nyo po akong magbigay ng kaunting message para sa kanya at sana po ay mabasa niya ito.
Love,
Kung magkalayo man tayo ngayon, nais kong malaman mo na mahal na mahal kita. Sana naman matapos na ang mga problema natin. I love you so much!!!
Dr. Love, pasensya na po kayo kung medyo mahaba ang sulat ko at umaasa po ako na ilalathala nyo ito. Maraming salamat po.
More power to your column. God bless.
Umaasa,
Lhan Lavarnez
American School
Riyadh, K.S.A.
Dear Lhan,
Hindi mo nasabi kung ano ang misunderstanding ninyo ng iyong syota.
Anyway, talagang magkakaroon kayo ng misunderstanding lalo pat magkalayo kayo. Sa pagkakalayo ninyo, maaaring nagkakaroon siya ng feelings of insecurity at gayon ka rin.
Ngunit ang ginagawa mong pagtatrabaho sa ibang bansay para din naman sa magandang kinabukasang inihahanda mo para sa kanya.
Hindi masamang magmahal nang labis. Pero be sure na ang pagmamahal na iyan ay mutual. Ibig sabihin, kung gaano mo siya kamahal ay tinutumbasan din niya ng ganoong pagmamahal.
Dumadalangin akong malutas na ang anumang di-pagkakaunawaang namamagitan sa inyong dalawa.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended