May asawa na pala ang bf
March 30, 2001 | 12:00am
Dr. Dr. Love,
Good day to you. This is my first time to write to your column. Lagi ko itong binabasa dahil kapupulutan ng aral ang mga payo ninyo.Tawagin na lamang ninyo akong Shiela. 24 years-old. Ang problema ko po ay tungkol sa boyfriend ko. Inilihim po niya sa akin na may asawa na siya at dalawang anak. Nang sabihin ko sa kanya ang nalaman ko mula sa kasamahan niya sa trabaho, nabigla po siya dahil hindi raw niya akalain na malalaman ko ito.
Akala raw po niya ay maitatago niya ito habambuhay. Hindi raw po niya kagustuhan na magpakasal doon sa babae. Kagustuhan daw po iyon ng kanyang mga magulang. Hindi raw po nagtagal ang kanilang pagsasama dahil hindi raw po niya kaya ang ugali ng asawa niya. Ginawa raw po niya ang lahat para maging maganda ang takbo ng buhay nila pero hindi po ganoon ang nangyari.
Lagi raw silang nag-aaway, hindi magkasundo sa lahat ng bagay kaya nagpasya raw po silang maghiwalay. Seven years na raw po silang hiwalay kaya puwede na raw niyang ipa-annul ang kasal nila. May asawa na raw na iba yung babae. Pero hindi ko pa po ito napapatunayan dahil yung babae ay nasa Mindanao daw po. Ni hindi ko pa kilala ang mga magulang ng aking nobyo maging ang kanyang mga kamag-anak.
Buo po ang tiwala ko sa kanya dahil napakabait po niya sa akin at sa pamilya ko at ramdam na ramdam ko po ang pagmamahal niya sa akin. Nirerespeto po niya ako sa lahat ng bagay at ni minsan ay hindi niya tinangkang pagsamantalahan ang kahinaan ko dahil ayaw na ayaw daw po niyang masira ang kinabukasan ko. Sa ngayon po ay paalis siya patungo sa ibang bansa at ang sabi niya ay magpapakasal kami pagbalik niya dahil ako raw ang gusto niyang makasama habambuhay.
Ano po ang dapat kong gawin? Dapat ko ba siyang layuan? Mahal na mahal po namin ang isa’t isa kaya sana ay pagpayuhan ninyo ako.
Shiela
Dear Shiela,
Ang isang lalaking nabuking ng nobya na may asawa ay maraming alibi.
At dahil ang babae’y binulag ng pag-ibig, madali siyang mapaniwala.
Use your head and not only your heart. Huwag mong dayain ang sarili mo na maaari ka niyang pakasalan dahil balido pa ang kanyang unang kasal.
Marahil, kung ganap nang mapawalang-bisa ang kanyang kasal, doon pa lamang kayo maaaring magpakasal.
Pero hindi madaling proseso iyan. It may take years at walang katiyakan kung mapagtitibay ng korte.
Kaya ngayon pa’y timbangin mo ang sitwasyon at gumawa ka ng matalinong desisyon.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 1, 2024 - 12:00am
November 29, 2024 - 12:00am