Praise be Jesus in you and all the PSN staff.
If you still remember, I’m Yuri. I wrote you once about the problem I have with the three guys. Thanks for your advise. Now, I have problem naman about Jess. Nasabi ko sa letter ko na I like him and he gets angry kapag hindi ko siya pinapansin. One time, I have a project at lumapit ako sa kanya para magpatulong. Maayos niya akong kinausap and said sorry na hindi niya ako matutulungan dahil marami siyang ginagawa. It was okey then with me. Tapos, sinabi niya na may barkada siya na tutulong sa akin. So he introduced me to Genie. After that, I found myself getting close to Genie at napapalayo naman si Jess.
When Jess and I talked, para bang nanlalamig na siya sa akin at lagi niya akong inaaway at pinaiiyak. He always tells me na tawagan ko raw si Genie at isumbong ko siya dito. I don’t understand it.
Genie also introduced me to his other friends. All of them are nice to me. I got to know Joey at naging close kami. Right now, he’s courting me. But the truth is I love Jess at ayaw kong lokohin ang sarili ko at si Joey.
One of his friends told me na nasasaktan daw si Jess kapag nakikipag-usap ako sa iba.
Dr. Love, please help me. What should I do? Mahal ko si Jess pero bakit niya ako sinasaktan?
Thank you and God bless.
Sincerely,
Yuri
Dear Yuri,
There’s a saying na "you always hurt the one you love."
Kahit di mo sinasadya, nagseselos si Jess sa mga guys na nagiging malapit sa iyo. At dahil sa selos niya, nakakapagsalita siya ng masakit sa iyo.
Kailangan lamang ay mabigyan mo siya ng self-assurance na siya lang ang mahal mo.
Therefore, mag-usap kayo nang masinsinan tungkol sa mga problemang nakakaapekto sa inyo.
Dr. Love