^

Dr. Love

Kapatiran

-
Dear Dr. Love,

Good day po sa inyo. Sumulat po ako sa inyo kasi gusto kong humingi ng advice.

Tawagin na lamang ninyo akong Icel. Second year high school lang po ako. Nahihiya nga po akong sumulat kasi parang napakabata ko pa para dito.

Pero gusto ko po talaga ng advice ninyo.

Mayroon po akong suitor na tawagin nating Mr. STS. Matagal na po siyang nanliligaw sa akin. Gusto ko rin siya kaya lang ay pabago-bago ang isip ko. Minsan po, gustung-gusto ko na siyang sagutin pero kapag kaharap ko na siya ay parang ayoko na.

Sa totoo lang po, hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend. Napag-iiwanan na nga daw po ako, eh. Ugali ko po na kapag may bagong manliligaw ako ay nakikipagkuwentuhan ako at pagkatapos noon ay nakakalimutan ko na siya.

Ang isa ko pa pong problema kung bakit atubili ako kay Mr. STS ay dahil ang kanyang kuya at ang ate ko ay malapit nang ikasal. Kaya nga po kapag may nakakakita sa amin na magkasama ay tinutukso kaming "kapatiran."

Ayaw din po ng mga relatives ko sa kanya dahil nga sa pangyayaring ito.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Sagutin ko na ba si Mr. STS kahit na marami ang tutol at masama po ba ang kapatiran?

Respectfully yours,
Icel


Dear Icel
,

Wala akong nakikitang masamang dahilan para hindi mo sagutin si Mr. STS kahit pa nga siya kapatid ng magiging bayaw mo sa sandaling makasal na ang ate mo sa kanyang kapatid. Wala naman kayong relasyon sa dugo kaya walang peligro.

Ang masama lang ay kung sasagutin mo siya para maging boyfriend nang labag sa loob mo at ng hindi mo siya nakikilala nang husto at wala kang damdamin para sa kanya.

Kaya nga lang, masyado ka pang bata kaya paiba-iba ang isip mo at hindi ka pa talaga handa sa isang relasyon sa opposite sex.

Pagbutihin mo na muna ang pag-aaral mo at kung sa tagal ng panahon ay mararamdaman mong mahal mo pa siya talaga, saka mo na pagtuunan ng pansin ang tawag ni Kupido.

Hayaan mo na muna ang ate mo na siyang magpakasal. Maaaring handa na siya sa pagpapamilya at sa pagharap sa buhay na magulo.

Magpakasaya ka habang hindi ka pa nakatali sa isang nobyo at marami ka pang makikilalang iba na maaaring mapamilian mo para pakasalan sa tamang edad at panahon.

Dr. Love

AKO

ANO

AYAW

DEAR ICEL

DR. LOVE

HAYAAN

ICEL

KAYA

SIYA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with