Humanap ng iba
February 21, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan kasama na ang PSN staff.
Nagpasya po akong magpadala ng liham para po maihinga ko ang aking sama ng loob at makahingi ng mahalaga ninyong payo.
Matagal na po akong nanliligaw kay Ms. July 28. Buhat nang makilala ko siya ay nagkaroon ng kulay ang aking buhay. Gagawin ko po ang lahat para sa kanya. Mahal na mahal ko po siya higit pa sa aking buhay. Kahit na parang hindi siya seryoso sa akin, binalewala ko lang dahil hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.
Alam n’yo Dr. Love, noong Bagong Taon ay pumunta ako sa kanilang bahay at ipinakilala niya ako sa kanyang mga magulang. Tinanong pa nga ako ng kanyang tatay kung may asawa’t anak na raw ako. Sinabi ko naman ang totoo na wala pa at ang kanilang anak pa lamang ang unang babae na minahal ko.
Subalit nang makausap ko si Ms. July 28 noong Jan. 4, 2001 ay sinabi niya sa akin na kalimutan ko na raw siya at ibaling ko na lang sa iba ang aking pagmamahal dahil ayaw daw ng mga magulang niya sa akin. Alam ninyo, nung marinig ko po iyon ay parang nawalan ng saysay ang aking buhay. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang mabuhay nang wala siya dahil sa kanya lamang umiikot ang aking mundo.
Ano po kaya ang mabuti kong gawin para paniwalaan niyang mabuti ang aking intensiyon sa kanya. Kailangang-kailangan ko po ang inyong payo, Dr. Love. Tulungan n’yo po ako.
Mr. February 21
Dear Mr. February 21,
Wala talagang gusto sa iyo ang iyong minamahal kaya limutin mo siya. Ikaw na rin ang nagsabing hindi siya mukhang seryoso sa iyo.
Nangyayari iyan. Kung minsan may mga babaeng dahil sa kabiglaanan ay nakikipag-on sa manliligaw pero pagkatapos noon ay nare-realize nilang nagkamali sila.
Masakit pero tanggapin mo ang totoo at humanap ka ng iba.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am