Naglahong pangarap
January 23, 2001 | 12:00am
Dr. Love
Una sa lahat, gusto namin kayong batiin ng magandang araw. Kami po ay one of the daily readers ng inyong column.
Tawagin na lang po ninyo kaming Ace Rebilis, 32 years old, at Mar Santiago, 33 years old.
Dati kaming magkaklase sa college at best of friends. Noong Setyembre 23, 1993 nangyari ang unos sa aming buhay, one day before the birthday of my friend.
Noong bisperas ng kanyang kaarawan, niyaya niya akong mamasyal sa babaeng napupusuan niya. Sa kasawiang-palad, habang pauwi na kami sa bahay nina Mar, kami’y hinarang ng mga hindi kilalang kalalakihan. Nagpakilala si Mar at ipinakilala rin ako na isang policeman at kaibigan niya. Sa isang kisapmata, inundayan ng saksak itong kaibigan kong si Mar at tinamaan sa tagiliran. Dahil lima sila at may tama na ang kaibigan ko, binunot ko ang aking baril at pinaputukan ang sumaksak sa kanya. Nagtakbuhan sila at dinala ko ang kaibigan ko sa pinakamalapit na ospital. Sa kamalasan, ang taong nabaril ko ay namatay kaya nabaligtad lahat ang pangyayari.
Ako ay ikinulong at noong mabuti-buti na ang pakiramdam ng kaibigan ko ay ikinulong din sa kasong homicide.
Ipinaglaban naming self-defense ang nangyari pero nabale-wala ang aming depensa. Kaya’t narito kami ngayon sa loob ng tinatawag naming "Libingan ng mga buhay".
Lahat na pangarap ng bawat isa sa amin ng kaibigan kong si Mar ay naglahong lahat. Masakit pero wala na kaming magagawa. Ang Panginoong Diyos na lang ang bahala.
Dr. Love, kung maaari lang po sana ay magkaroon po sana kaming magkaibigan ng mga kaibigan sa panulat na handang umunawa at umintindi sa aming kalagayan.
Thanks and more power.
Ace Rebibis and Mar Santiago
Dorm 130-A, Bureau of Corrections,
Muntinlupa City 1776
Dear Ace and Mar,
Magandang araw din sa inyong magkaibigan.
Nakalugod sa pitak na ito ang pagtanggap sa inyong liham at sana huwag ninyong pagsawaang basahin ang pitak na ito at gayundin ang aming pahayagan.
Ang maipapayo ko sa inyong dalawa, sana huwag kayong mawalan ng pag-asa sa buhay anuman ang kinasapitan ng inyong kaso at kalagayan ninyo ngayon sa loob.
Puwede pa naman sigurong i-apela ang inyong kaso at sana huwag din kayong manghinawa sa pagtawag sa Panginoon para lagi kayong gabayan tungo sa mabilis ninyong paglaya.
Kung minsan, ang ganitong mga pangyayari sa buhay ay nagsisilbing magandang aral para mapanuto at iwasan na ang anumang gulo.
Ayaw kong humusga kung sino talaga ang may kasalanan subalit huwag sana kayong mawawalan ng tiwala. Kung may magagawa kayo, kahit nasa loob ay magpatuloy kayo ng pag-aaral kahit sa correspondence school.
Inilathala ng pitak na ito ang inyong address para sa hangad ninyong pagkakaroon ng mga kaibigan sa panulat.
Good luck to both of you.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended