Ako po si Darren, fourth year high school. Nagsimula akong manligaw noong first year pa lamang ako. May histura naman ako at matangkad kaya hindi ako nahihiya. Una kong niligawan si Princess. Tumagal ito ng isang buwan pero nawalan ako ng pag-asa nang malaman kong nanliligaw din sa kanya ang kaklase ko na mas malakas ang appeal kaysa sa akin. Huminto ako ng panliligaw sa kanya.
Sa ikalawang pagkakataon ay nanligaw ako kay Joyce. Mas maganda siya at simple. Pagkatapos ng dalawang buwang panliligaw, binasted niya ko dahil may boyfriend na raw siya. Sa ikatlong pagkakataon, may lumapit sa akin na babae. Maputi siya at makinis ang balat. Niligawan ko siya at nagtagumpay naman ako. Pero MU lang ang gusto niya dahil ayaw niya nang serious relationship. Pero nang mag-4th year na ako, nalaman kong nag-transfer siya sa ibang school. Pero may ipinaabot siyang sulat sa akin at ang sabi ay huwag daw akong magbabago at huwag mawawalan ng pag-asa. Mahal daw niya ako pero pinag-transfer siya ng parents niya. Masakit, Dr. Love, pero naging matatag ako. Sana ay mabigyan ninyo ako ng advice tungkol dito. Gusto ko sanang magpaturo sa inyo kung paano manligaw. Sabi kasi ng ibang girls ay mali raw ang style ko.
Maraming salamat and God bless.
Darren
Dear Darren,
Hindi mo man sabihin, sa tingin koy bata ka pa at marami pang dapat matutunan sa pag-ibig.
Nagkaroon ka ng girlfriend at nagkalayo kayo dahil nag-transfer siya ng ibang school. Ibig sabihin ay normal ka naman bilang isang binata. Hindi ko exactly alam kung ano bang mali sa style mo ng panliligaw dahil hindi mo naman sinabi sa akin.
Just be natural. Be yourself at huwag kang magpapakita ng pagka-plastick and people, especially the opposite sex, will like you.
Pero tulad ng sinasabi kong madalas sa mga kabataang tulad mo, huwag munang lubhang seryoso sa pag-ibig dahil iyan ay makapaghihintay. Concentrate on the most important of all which is your studies.
Okey lang makipagkaibigan at manligaw ngunit huwag munang masyadong seryoso. Tama ang sabi ng girlfriend mo.
Dr. Love