Dapat ko ba silang paniwalaan?

Dear Dr. Love,

Praise be Jesus in you and all the PSN staff. I’m one of your million readers and I will be very happy if my first letter will be published. Noon ko pa nga gustong sumulat pero nagdadalawang-isip pa ako. And now, I have realized to write because I really need your advice.

I have a boyfriend once and he’s 2 years older than me. He’s 21 years old. Akala ko, we are meant for each other kasi we have something in common. Our relationship lasted for about 1 year, only to find out na may girlfriend pa siyang iba at that time. Two years na sila. He’s a two-timer.

Ang sakit-sakit talaga. And then I fell in love for the second time. He’s John and 20 years old and 1 year older than me. Nalaman ko sa aunt niya na he’s planning to court me. Nang nanliligaw na siya at medyo nakapaghintay na ng matagal, I just found out na may gf na pala siya at isa pa sa mga best friends ko. Another heartbreak na naman.

And for the third time, I fell in love again with Jess who’s three years older than me. I met him when we had a project and he’s the assistant of the person we will interview. One day, Jess called me and I asked him how he got my number. Sa directory daw. At ’yon, I got to know him better and he even told me to call him when I have a problem. And I just found myself falling for him. At kung tinutukso ko siya sa mga admirers niya, nagagalit siya sa akin at ganoon na rin kung hindi ko siya pinapansin. He’ll call me and say na nagtatampo raw siya sa akin at ’di ko siya pinapansin. And when I thanked him for all his help and say we can be best friends, sabi niya, "best friends?" Puwede raw friends, pero hindi raw best friends. And when I asked my friends about it, baka raw may feelings si Jess sa akin.

Dr. Love, please help me. Should I believe them and should I tell him my feelings for him? Ano ang ibig sabihin na he doesn’t want us to be best friends? May feelings kaya siya for me? Please give me an advice that I’ll treasure for the rest of my life. I need it. Hope you can help me.

God bless you and thank you in advance.

Sincerely,
Yuri



Dear Yuri,


Kapag may mga manliligaw ka, dapat pinipili mong mabuti ang iyong sasagutin. Hindi mo ibibigay sa kanya ang "matamis na oo" on the basis of good looks, or put on kindness. Kung minsan, ang lalaki’y maaaring very deceiving.

Kapag nanliligaw, siyempre ipakikita ang kanyang best quality at kapag sinagot mo na’y lalabas na ang natural.

Binigyan ka ng isip ng Diyos, gamitin mo iyan sa pagsusuri sa iyong manliligaw. At kung sinagot mo man ang isa sa kanila, dapat may reservation ka pa rin at patuloy mong kilalanin ang iyong kasintahan at baka mayroon siyang ikinukubling sikreto.

Dr. Love

Show comments