Nanghihinayang
November 30, 2000 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Good day to you and to your staff. Like others, I need too, your advice and I hope na matutulungan ninyo ako.
I am a college student. Tawagin ninyo akong Jodie. I have a suitor. Just call him Mr. Persist. Schoolmate ko siya at palagi ko siyang binabasted pero patuloy pa rin siya sa panliligaw.
May nakilala akong kaibigan niya na kaibigan din ng aking barkada. Nanligaw po sa akin si Mr. HH at agad ko naman siyang sinagot. Inihinto na po ni Mr. Persist ang panliligaw niya nang mag-on na kami ni Mr. HH.
Ayaw ng mga barkada ko sa kanya dahil bolero at babaero raw. After one month, nag-decide ako na i-break ko si Mr. HH dahil ayaw nga sa kanya ng barkada ko.
Si Mr. Persist naman ay naging dancer at naging popular sa school namin at maraming nagkakagusto sa kanya kasama na ako doon.
Nanghihinayang tuloy ako Dr. Love at ngayon ay nagsisisi. Bagaman alam kong mahal niya ako, ngayon naman ay hindi na siya nanliligaw sa akin.
After five months, nagkita uli kami ni Mr. HH sa debut ng barkada ko at naging mag-on uli kami sa loob ng dalawang buwan.
Hindi pa rin boto sa kanya ang mga kabarkada ko subalit hindi ko na sila pinapansin kahit may hinala ako na mayroon pa siyang iba.
Ano po ang gagawin ko? Makikipag-break po ba ako at dapat ko pa bang sabihin kay Mr. Persist ang nararamdaman ko?
Sana matulungan ninyo ako sa problema ko.
Always,
Jodie
Dear Jodie,
Salamat sa liham mo. Nabasa namin ang problema mo at ganap na naunawaan ang nilalaman ng sulat mo.
Pagkaraang suriing mabuti ang damdamin mo ngayon, ang tingin ng pitak na ito ay hindi ka talaga seryoso pa sa anumang pakikipagrelasyon.
Maaaring bata ka pa sa tawag ng pag-ibig at ang mga nararamdaman mo lang ngayon ay crush o kaya’y puppy love.
Kung talagang mahal mo si Mr. HH anumang pintas sa kanya ng barkada mo, hindi mo siya iiwanan. Hindi mo rin sana siya dapat na sinagot kung hindi ka pa tiyak sa damdamin mo para sa kanya.
Ayaw mo kay Mr. Persist noon at lagi mo siyang binabasted. Pero nang maging popular siya at maging attractive sa iba, saka mo lang napagtanto na gusto mo siya.
Huwag mo nang sabihin kay Mr. Persist ang nararamdaman mo ngayon at baka lamang pahabul-habulin ka.
Makabubuting huwag ka na munang makipagnobyo kaninuman dahil pabagu-bago pa ang isip mo. Ipako mo muna ang atensyon sa pag-aaral at saka mo na lang pagbalingan ng pansin ang pag-ibig kung talagang desidido ka nang mahal mo nga ang pipiliin mong lalaki.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended