Harapin ang pananagutan
October 21, 2000 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Bago po ang lahat ay gusto ko po sana kayong batiin dahil sa napakagandang column ninyo na tiyak ko ay marami na ang natulungan.
Tawagin na lang po ninyo ako sa pangalang Al. Katatapos ko lang po ng pag-aaral at ako naman ay pinalad na makapasok agad ng trabaho sa isang engineering firm dito sa Maynila.
Doon ko po nakilala si Sheryl. Maganda naman po siya at mabait at siya po ay isa ring empleyada sa aming department. Siya po ang nagkusa na makipagkilala at makipagkaibigan sa akin.
Minsan po ay niyaya niya ako kasama ang kanyang pinsang babae na mag-inuman sa bahay ng pinsan niya. Iniwan na po kami ng kanyang pinsan sa kalagitnaan ng aming inuman at ito ay natulog na. Pagkatapos po ng aming kasayahan ay pareho po kaming lasing na lasing ni Sheryl. Sinabi ko kay Sheryl na ihahatid ko po siya sa kanila pero ayaw naman po niya. Ayaw din naman po niyang iwan ko siya. Ang sabi niya sa akin ay gusto raw po niya akong makasama. Sa madaling salita po ay nangyari ang di-dapat mangyari.
Lubos ko na po itong pinagsisisihan dahil si Sheryl po ay nabuntis at ako ay pinilit na ipakasal sa kanya kahit wala akong kagustu-gusto sa kanya. Sabi niya ay di raw niya ako pakikialaman basta mabigyan lang ng pangalan ang anak namin. Pero madalas po siyang magpunta sa bahay at nakikipagmabutihan sa aking mga magulang at kapatid.
Ngayon pong malapit na siyang manganak ay meron pang dumating na isang problema. Ang nobya ko pong matagal nang nasa States na si Joyce ay bumalik na rito at nagkita po kami. Dinala ko pa nga siya sa bahay namin nang araw na wala doon si Sheryl. Nagalit nga sa akin ang mga magulang ko at sinabihan ako ng nanay ko na sabihin na ang totoo kay Joyce.
Ano po ang gagawin ko, Dr. Love? Boto po ang mga magulang ko kay Sheryl dahil ito naman daw ay mabait pero di ko po siya mahal. Paano ko po maipagtatapat kay Joyce ang katotohanan? Sabi ng nanay ko, kung mahal ako talaga ni Joyce ay di ako dapat matakot sa maaaring maging consequences ng aking pagtatapat. Tulungan po ninyo ako, Dr. Love.
Gumagalang,
Al
Dear Al,
Laging nasa huli ang pagsisisi. Ito ngayon ang dinaranas mo dahil nagkaroon ka ng pananagutan sa isang babaeng may dinadala ngayong sanggol na mula sa iyo na pinakasalan mo naman para mabigyan ng pangalan ang inyong magiging anak.
Ang sabi mo, hindi mo gusto si Sheryl kahit ito ay maganda at mabait. Bakit mo siya pinakasalan in the first place kung hindi mo pala siya gusto? Kaya mo siya pinakasalan ay dahil alam mong mayroon kang pananagutan sa dinadala niyang sanggol.
Natatakot kang magtapat sa dumating mong girlfriend mula sa States hinggil sa nangyari sa inyo ni Sheryl. Hindi mo man aminin, ang kinatatakutan mo ay lumayo siya at hindi maunawaan kung bakit mo pinakialaman ang isang babae, na sinasabi mong wala ka namang gusto.
Habang maaga, mas makabubuting ipagtapat na kay Joyce ang nangyari. Anuman ang kanyang maging reaksyon, dapat mo itong tanggapin nang mahinahon.
Nakuha ni Sheryl ang loob ng mga miyembro ng iyong pamilya matangi sa iyo. Gagawin talaga ito ng isang babaeng tulad niya na may isisilang na anak. Ang babaeng ito ay marunong makipaglaban sa kanyang pag-ibig at nagbabakasakaling mahalin mo rin sa dakong huli.
Hindi mo matatakasan ang katotohanang may pananagutan ka na sa buhay kahit pa nga sabihin mong pinilit ka lang magpakasal. Pinagtaksilan mo ang nobya mo habang ito ay wala sa pag-asang hindi papalag si Sheryl dahil kagustuhan niya ang nangyari sa inyong dalawa.
Kung ako ang nobya mo, hindi ko magugustuhan ang nangyari dahil hindi ka tapat sa kanya. Ipinakita mo ang iyong kahinaan at nagkaroon ng komplikasyon ang problema nang hindi pumayag si Sheryl na hindi mo bigyan ng pangalan ang kanyang isisilang kahit na nga sa papel lamang.
Harapin mo na ang pananagutan mo dahil hindi lang naman si Sheryl ang may kasalanan nito kundi maging ikaw na magsasabing nagsamantala sa isang lasing na babae.
Kung talagang hindi mo siya kursunada, hindi mo na sana pinatos ang pang-aakit niya sa iyo at pagbibigay-daan sa hindi sana dapat na nangyari.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am