Rusty Blue
October 4, 2000 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Kamusta po? Wala pa man ay nagpapasalamat na ako sa mga tulong na malugod ninyong ipinagkakaloob
When I was in third year high school, doon ko nahanap ang tunay na pag-ibig na naramdaman ko kay "JC". Totoo siyang makiharap, maginoo, makisig, may paninindigan, responsable, disiplinado, mabait at maraming talento tulad ng pagkanta, pagguhit at pagsayaw. Sa mga katangiang ito, doon nahulog ang loob ko sa kanya na di niya nalalaman dahil sa magkaibigan kami. Marami siyang gusto na naaayon naman sa aking hilig tulad na lamang ng pagguhit. Madalas kaming magkasabay na umuwi at ramdam ko nga na parang may pagtingin din siya sa akin. Marami siyang pahiwatig, palipad-hangin at mga tingin na madalas ko ring nahuhuli. Hanggang sa dumating ang graduation day namin. Hindi ko man lang nalaman na may gusto rin siya sa akin. Dati ay nagkakausap pa naman kami sa telephone pero ilang months lang kasi naputulan sila ng telephone. Hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa puso at isipan ko. Iyon ang dahilan kung bakit wala pa akong boyfriend. May nanliligaw din naman pero di kasing gentleman ng lalaking minahal ko. Alam kong di pare-pareho ang mga tao.
Dr. Love, dapat ba akong maghintay sa kanya? Lahat kasi ng pinagsabihan ko rito, ang sabi ay kalimutan ko na lang daw siya. Pero sabi ng professor ko, maghintay lang daw ako tutal bata pa naman daw ako. Ano po ba ang dapat kong gawin? Posible po bang may pagtingin din siya sa akin?
Maraming salamat po sa inyong lahat.
Lubos na gumagalang at umaasa,
Rusty Blue
(Sweet Girl ng Pasay City)
Dear Rusty Blue,
Okay maghintay. Pero ang paghihintay ay may taning. Kung sa paglipas ng napakahabang panahon ay bigo ka pa rin, iisa lang ang kahulugan noon. Dapat mo na siyang limutin gaano mo man siya kamahal.
Hindi dapat tumigil ang pag-ikot ng mundo dahil lamang sa isang lalaking ni hindi mo alam kung may pag-ibig sa iyo.
Alisin mo ang blinders na nakatabing sa iyong mata. For all you know, naririyan lang sa tabi-tabi ang lalaking magmamahal sa iyo at mamahalin mo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended