^

Bansa

Deployment ng warships sa West Philippine Sea nakasalalay kay Pangulong Marcos, AFP - PCG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Deployment ng warships sa West Philippine Sea nakasalalay kay Pangulong Marcos, AFP - PCG
This handout photo taken on March 23, 2024 and released by the Philippine Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (PCG/BFAR) on March 25, 2024 shows an aerial view of BRP Datu Pagbuaya as it sails from the Philippine-held Thitu Island sheltered port, in the Spratly Islands, in the disputed South China Sea.
Photo by Handout / Philippine Coast Guard / AFP

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na desisyon na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr, at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang  deployment ng navy vessels na susuporta sa mga barko ng Pilipinas habang isinasagawa ang ‘Philippine mission” sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson on the WPS, ang AFP ang siyang dapat na gumawa ng rekomendasyon habang ang Pangulong Marcos naman ang may pinal na desisyon sa isyu bilang commander-in-chief.

Ani Tarriela, nakasuport lamang ang PCG sa anumang desisyon at hakbangin ng pamahalaan.

“As far as the Philippine Coast Guard [is concerned], we are going to support whatever decision that the Armed Forces of the Philippines and our Commander-in-Chief will carry out,” ani Tarriela.

Sinabi ni Tarriela na namataan ang barko ng Peoples Liberation Army na nakabuntot sa PCG vessel sa layong 300 yards nitong Miyerkules ng umaga habang patungo sa BRP Datu Pagbuaya, na binugahan ng water cannon ng China Coast Guard (CCG).

Binigyan diin naman ni NMC spokesman Undersecretary Alexander Lopez na sa kabila ng pangha-haras ng China, hindi naman gaganti ang Pilipinas. Lalayo na lamang ang mga barko ng Pilipinas at magsasagawa na lang sila ang monitoring activities.

“Hindi natin puwedeng ilapit ‘yun kasi maggigirian lang. It will escalate the situation (We cannot deploy it because it might lead to the escalation of the situation),” ani Lopez.

Nilinaw ni Tarriela na bagamat hindi niya nirerekomenda ang anumang aksiyon laban sa PLA Army, may mga pagkakataon na maaari itong ikonsidera sa ilalim ng mga polisiya.

PHILIPPINE COAST GUARD

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with