Sugarol at lasenggerong kandidato ‘wag iboto-DILG
MANILA, Philippines — Nanawagan ang Department of Interor and Local Government na huwag iboto ang mga tumatakbong kapitan at kagawad na sugarol at lasenggero sa darating na barangay elections.
Ito ang naging panawagan ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño sa mga botante at dapat tandaan ang tatlong “M” sa pagpili ng ibobotong kandidato sa kanilang barangay na dapat ay Matino, Mahusay at Maaasahan.Dahil pangungurakot o pagnanakaw lamang ang gagawin ng mga ito.
Samantala inihayag ni Comelec Spokesman Dir. James Jimenez sa kabila ng ginawang pagpapalawig para sa filing ng COCs noong Sabado para sa Barangay at SK elections na nakatakda sa susunod na buwan ay kakaunti lamang ang naghain.
Gayunman, naging mapayapa naman ang extension ng deadline kahapon para sa filing ng COC’s na nagsara eksaktong ala-singko ng hapon.
- Latest