^

PSN Palaro

Petron kumuha uli ng bagong import

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Desidido ang Petron na mabawi ang korona ng Philippine Superliga Grand Prix.

Muling kumuha ng ba­gong import ang Blaze Spikers sa ngalan ni Ka­therine Bell na siyang hahalili kay American outside hitter Hillary Hurley.

Nagdesisyon ang pamunuan ng Petron na palitan si Hurley na may iniindang ankle injury.

Kinuha ng Blaze Spi­kers si Bell na kayang maglaro sa iba’t ibang posisyon - open hitter, middle blocker o opposite spiker.

Naglaro ang 6-foot-1 attacker para sa University of Texas sa kanyang college years bago nasilayan sa iba’t ibang commercial leagues para sa Carolina Gigantes sa Puetro Rico, GS Caltex Seoul sa South Korea at Manisa BB SK sa Turkey.

Si Bell ang inaasahang tutulong kay American reinforcement Lindsay Stalzer sa opensa kasama ang local players na sina Mika Reyes, Ces Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Remy Palma, setter Rhea Dimaculangan at Japanese libero Yuri Fukuda.

Orihinal na napili ng Petron si Alaina Bergsma na dating import ng Petron nang pagwagian nito ang kanilang unang Grand Prix title noong 2014.

Subalit hindi sumakto ang iskedyul ni Bergsma na kasalukuyang naglalaro sa South Korea.

Ipaparada ng Petron ang bagong import sa Game 1 ng best-of-three semifinals laban sa Cocolife sa Martes.

Mapapalaban agad si Bell dahil armado ang Asset Managers ng dalawang matitikas na Serbian imports na sina Sara Klisura at Marta Drpa.

Kilala na si Klisura na kayang gumawa ng malalaking puntos habang handa naman si Drpa na ilabas ang kanyang tunay na laro upang tulungan ang Asset Managers na makapasok sa finals. (CCo)

PETRON

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with