^

PSN Showbiz

Sharon hinihintay tapatan ang galit ni Kris kay James!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Kris dalawa lang ang eksena sa CRA!

Seen: Naghihintay ang mga tao sa mga bagong pasabog ni Sharon Cuneta sa social media dahil nasanay na sila na nagpapaligsahan sa paramihan ng mga isyu ang veteran actress at si Kris Aquino.

Scene: Nagkamali ng timing si Kris Aquino sa pagtataray niya kay James Yap dahil natabunan nito ang balita tungkol sa pagpirma niya ng kontrata sa Star Cinema noong Biyernes. Hot copy si Kris kapag inaaway niya si James.

Seen: Wala si Kris Aquino sa teaser ng Crazy Rich Asians kaya inaamin na niya na dalawa lamang ang kanyang eksena sa Hollywood movie na ipalalabas sa mga sinehan sa August 2018. #ExtraSaPelikula.

Scene: Napabilis ang resignation ni Jiggy Manicad sa mga programa niya sa GMA 7 dahil sa napaaga na paglabas ng balita na kakandidato siya na senador sa 2019 elections.

Seen: No comment yet si Mark Bautista tungkol sa kanyang alleged video scandal dahil kasama siya sa US tour ng This I5 Me, ang 15th anniversary concert ni Sarah Geronimo.

Scene: Dinagsa noong Biyernes at kahapon ng mga aspiring star ang grand auditions sa Smart Araneta Coliseum para sa Star Hunt, ang bagong talent search program ng ABS-CBN.

Seen: Bumisita kahapon sa grand auditions ng Star Hunt si Joshua Garcia dahil nagbigay siya ng inspirational talk sa mga nangangarap na maging artista. Produkto si Joshua ng Pinoy Big Brother All In, ang reality show ng ABS-CBN noong 2014.

Scene: Bumalik na kahapon sa Metro Manila ang lahat ng mga invited guest sa Balesin wedding nina Billy Crawford at Coleen Garcia noong April 20.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with