PNP handa na sa Brgy, SK polls
MANILA, Philippines — All systems go na ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng gaganaping Brgy. at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Mayo 14 ng taong ito.
Ayon kay PNP Chief P/Director Oscar Albayalde, nakalatag na ang lahat ng seguridad na kanilang ipatutupad upang tiyakin na magiging mapayapa at maayos ang gaganaping eleksyon.
Sinabi ni Albayalde na mahigpit na tututukan ang mga lugar kung saan mainit ang labanan ng mga kandidato upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.
Samantalang patuloy naman ang mahigpit na kampanya laban sa mga loose firearms o mga baril na walang lisensya upang hindi ito magamit sa karahasan partikular na ng kampo ng magkakalabang kandidato.
Samantala, humingi naman ng pangunawa si Albayalde sa mga nagrereklamong sibilyan dahilan sa ipinatutupad na checkpoints sa mga istratehikong lugar sa bansa kaugnay ng implementasyon ng gun ban na nagumpisa noong election period o Abril 14 at tatagal hanggang Mayo 21 ng taong ito.
- Latest