Paano kung walang award ang anak?
Paano ipapaliwanag sa anak na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakatanggap tayo ng award sa buhay? Lalo na kapag hindi natin pinaghirapan. Paano rin ba sasabihin na proud parents pa rin tayo kahit wala silang nakuhang awards? Mas higit ang pressure sa bata na nahihiya at nagi-guilty na wala silang awards; na natatakot na madismaya at magalit ang kanilang mga masisipag na magulang lalo na ang single parent na dobleng kayod sa trabaho.
Huwag nang pagalitan ang anak at gawin pang big deal na ang ibang classmates ay mayroong medal. Bilang magulang ay turuan silang i-deal ang kanilang pagkadismaya. Yakapin at ipaunawa na minsan ay hindi laging big deal ang awards. Kundi ibigay nila ang kanilang best sa lahat ng kanilang ginagawa. Hamunin at tulungan ang anak na mag-set ng goals para sa susunod na school year. Gabayan ang anak sa short at long goals para sa big picture sa pag-enroll nila ng college sa hinaharap.
Higit sa lahat ay mahalin ang mga anak may reward o wala, tulungan silang ma-develop ang character na matuto makipagbuno sa kanilang pagkakamali.
- Latest