Wais na OFW
Laging mag-isip ng magandang investment habang nasa abroad. Hindi habang panahon ay puwedeng maging overseas Filipino workers.
Habang OFW ay pag-aralan na mag-invest, kaysa ubusin ang pera sa material na bagay. Kung ikaw ay business-minded laging makakaisip ng paraan na makapagtayo ng negosyo sa iyong bayan.
Encourage ang miyembro ng pamilya na mag-isip ng pagkakakitaan ayon sa kanilang hilig. Puwedeng Internet cafe, tindahan, pagbi- bake, paggawa ng kalamay, karinderya, at iba pa. Huwag ilalagay ang pera sa negosyo na hindi mo linya o walang idea kung paano patatakbuhin ang business.
Mas magandang pang i-save na lang ang pera na ilagak sa bangko, kaysa ipagsapalaran sa negosyong hindi kabisado. Sa ganitong paraan ay nagiging wais sa inyong kinikita hanggang makahanap ng sapat na ideyang ng papasuking negosyo.
- Latest