^

Pang Movies

Kathryn sa bundok gustong pakasalan si Daniel!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Kathryn sa bundok gustong pakasalan si Daniel!
KathNiel

Magkaiba ang preference nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa venue ng kanilang pag-iisang dibdib, in case daw, in case pa lang ha, na magpakasal sila.

Gusto ni Kathryn ay sa bundok habang si Daniel naman ay sa beach.

Hindi na nila pinaliwanag kung bakit. After all nga naman ay masyado pa silang mga bata, consi-dering that they’re just both in their early 20s, matagal- tagal pa bago sila mapunta sa usapang kasalan.

Anytime soon, magsisimula na ang dalawa na mag-shoot para sa kanilang bagong pelikula, ang The Hows of Us, which Cathy Garcia-Molina, will direct for Star Cinema.

Ilang Kapamilya stars tinapos na ang pamamahinga!

Hindi lang ang former popular series, Precious Hearts Romances Presents…, ang nagbabalik-himpapawid, kung hindi pati na rin ang ilang Kapamilya stars na medyo matagal na ring hindi nasilayan sa screen ng ABS-CBN.

Maliban kay JM de Guzman, na alam naman natin kung bakit kinakailangang mamahinga na both small and big screen. He needed to submit to intense rehab due to substance abuse.

Well, ito ang ilan sa medyo matagal-tagal na ring ‘di natin nasisilayan sa small screen ng ABS-CBN.

Si Vina Morales, na obviously ay mas nag-concentrate sa kanyang singing career, si Ara Mina naman ay sa pagpapalago ng kanyang bakeshop, since it’s doing very well, si Ysabel Ortega, na kakasal lang ng inang si Michelle Ortega (her dad, we all told, is ex Senator Lito Lapid) sa isang malapit diumano kay P.Duterte, and Jane Oineza, for reasons which we need to ask her.

Kasama rin sa cast ng comebacking series ng PHR presents Araw Gabi si RK Bagatsing, na huli nating napanood sa Wildflower na pinagbidahan ni Maja Salavador at iba pa.

Julio nakiusap na huwag siyang tularan ng mga kabataan

May natutuhan tayo Salve A, sa nangyari sa aktor na si Julio Diaz,

Yes, na kung may pagbabago man tayong gusto nating maganap sa ating sarili, dahil sa ilang pagkakamaling ating nagawa, walang tanging makakatulong sa atin kung hindi ang ating sarili mismo.

I had the chance na ma-interview siya, and from him, I learned that he was working as an x-ray technician in a hospital bago siya naging artista.

Nagpakasal din siya sa pretty daughter ng former LVN actress na si Marita Zobel, na isang stewardess.

Open book na nagkahiwalay silang mag-asawa. But muling nag-reconnect when he was hospitalized in 2016 sa Baguio City hospital.

Kasama ng kanyang dating asawa ang anak nilang si Carrie. And, of course, ang kanyang biyenan na si Marita na dumalaw sa kanya.

Hindi mo masasabi na hindi tinulungan ng showbiz si Julio sa hangarin niyang magbagong-buhay. In fact, bago pa siya mapasama sa FPJ’s Ang Probinsyano, may ilang projects na siyang ginawa for ABS-CBN.

Sa kasalukuyan, nasa cast si Julio ng trending na Asintado, kasama sina Julia Montes, Aljur Abrenica, Paolo Avelino and Shaina Magdayao. Take note that Asintado, which has Trina Dayrit as director, also stars Lorna Tolentino, Noni Buencamino at Agot Isidro.

May pakiusap si Julio, lalo’t sa mga kabataan na huwag siyang tularan ng mga ito sa nangyaring pagkalulong niya sa drugs.

 

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with