^

Probinsiya

Suspek sa N. Ecija masaker, dakip

Joy Cantos, Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa N. Ecija masaker, dakip
Ang naarestong suspek na si Jessie Tesoro na sangkot sa malagim na pagpatay sa anim na katao, at malubhang pagkasugat sa isa pa, habang ipiniprisinta sa mga mamamahayag makaraang maaresto sa Tarlac City.
Kuha ni Christian Ryan Sta Ana

MANILA, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng batas ang panguna­hing suspek sa pangma-masa­ker ng anim kataong magkakam.ag-anak kabilang ang kaniyang live-in partner na buntis habang isa pa ang malubhang nasugatan kamakalawa sa Brgy. Tambo Adorable, San Leonardo, Nueva Ecija.

Sa ulat, kinilala ni Chief Supt. Amador Corpus, Director ng Police Regional Office (PRO) 3 ang nasakoteng suspek na si Jessie Tesoro, 34-anyos, live-in partner ng isa sa mga biktima na si Jennifer Caballero, 24-anyos.

Bandang alas-8:00 ng gabi nitong Biyernes nang masakote ng tumutugis na mga operatiba ng pulisya si Tesoro sa follow-up ope­rations sa Brgy. Cut-Cut 1, Tarlac City.

Nitong Biyernes, alas-4:30 ng madaling araw ay minasaker ni Tesoro habang natutulog ang kaniyang live-in partner at lima pa nitong mga kamag­-anak sa Brgy. Tambo Ado­rable San Leonardo, Nueva Ecija.

Bukod kay Jennifer, kabilang pa sa mga nasawi ay ang mga kapatid nito na sina Sergio Caballero, 29 taong gulang; Amy Caballero, 12; Joshua Caballero, 10; ang kanilang ina na si Leonila Caballero, 48 at Sonny Custodio.

Ang bangkay ng mga ito ay nadiskubreng tadtad ng mga taga at duguan sa loob ng nirerentahan apartment sa lugar kung saan nasa dalawang linggo pa lamang silang naninirahan.

Samantalang nasa kritikal namang kondisyon ang 19-anyos na si Annalyn Caballero kung saan patuloy pa itong nilalapatan ng lunas sa pagamutan. Taliwas naman sa unang napaulat ay si Annalyn lamang ang sugatan sa insidente at hindi tatlo katao.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na bago naganap ang karumal-dumal na krimen ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Jennifer at ng live-in partner nitong si Tesoro dahilan umano sa matinding selos.

Kasalukuyan nang humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong multiple murder at frustrated murder.

JESSIE TESORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with