^

Police Metro

Duterte itotokhang ang kumpanya na nagpapatupad ng ‘555’

Rudy Andal - Pang-masa
Duterte itotokhang ang kumpanya na nagpapatupad ng ‘555’
“Pres. Duterte orders DOLE to submit inventory of companies engaged in labor-only contracting. We reiterate that labor-only contracting is already prohibited by the labor code.There will be crackdown on labor-only employement by companies,” wika pa ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing.
Richard Madelo/Presidential Photo, file

MANILA, Philippines – Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa loob ng 30 araw ang inventory ng mga kumpanyang patuloy na nagpapatupad ng ‘555’ at ‘endo’.

“Pres. Duterte orders DOLE to submit inventory of companies engaged in labor-only contracting. We reiterate that labor-only contracting is already prohibited by the labor code.There will be crackdown on labor-only employement by companies,” wika pa ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing.

“Sisiguraduhin ng Presidente na matitigil ang ‘555.’ Huwag n’yong subukan ang presidente.Dahil yan ang pinangako ng Pangulo noong kandidato pa lamang ito na ipatitigil niya ang tinaguriang 555,” dagdag pa ni Roque.

Aniya, puwedeng sa­bihin na Tokhang kon­tra Cabo (555) ang magiging kampanya ng gobyerno sa mga kumpanyang patuloy na nagpapatupad ng 555 o endo.

Ipinaliwanag pa ni Roque na ang sinasabing ‘555’ ay ang pamamaraan ng mga kumpanya na ang kanilang kinuhang empleyado ay hanggang 5 buwan lamang papayagan nilang magtrabaho upang makaiwas na gawing regular ito sa sandaling umabot sa 6 na buwan.

Idinagdag pa ni Ro­que, iisa-isahin ng gob­yerno ang mga kumpanya upang malaman kung patuloy pa rin ito sa pag­­papatupad ng ‘endo’ (555) sa kanilang mga empleyado.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with